Paano i-recycle ang electronic devices at baterya sa Australia

Australia Explained - E-Waste Recycling

The term e-waste implies no value. But used e-products contain materials, such as metals, which can be reused if appropriately recycled. Source: Moment RF / Javier Zayas Photography/Getty Images

Maraming karaniwang gamit sa bahay tulad ng mga mobile phone, TV, computer, charger, at iba pang electronic devices, kabilang na ang kanilang mga baterya, ay naglalaman ng mahalagang materyales na maaaring magamit muli para sa mga bagong produkto. Ang mga devices na ito na hindi na natin ginagamit ay itinuturing na e-waste. Sa buong Australia, may mga programang sinusuportahan ng gobyerno na naglalayong mapadali ang ligtas na pag-aalis at pag-recycle ng e-waste nang walang bayad.


Key Points
  • Sa Australia, maaari mong itapon ang mga hindi na kailangang electronic devices sa mga itinalagang recycling at e-waste collection points nang libre.
  • Ang mga lithium-ion na baterya ay nangangailangan ng ibang paraan ng handling kumpara sa mga karaniwang baterya.
  • Ang mga serbisyo at drop-off points sa inyong lugar para itapon ang inyong lumang TV, computer, mobile phone, o iba pang electronic devices ay makikita sa recyclingnearyou.com.au
Ipinapakita ng pinakabagong na ang Australia ay nagpo-produce ng 531,000 tonelada ng e-waste sa loob ng taong 2020-2021.

"Ibig sabihin nito, ang karaniwang tao sa Australia ay mahigit sa 20 kilo ang napo-produce nito, na malayo sa pandaigdigang average na humigit-kumulang pitong kilo bawat tao," sabi ni Rebecca Gilling, CEO ng .

"Mga 54 porsyento nito ay ipinadala para sa recycling, mga 35 porsyento lamang ng mga materyales ang aktwal na narecover."

Ang mga baterya ay ilan sa mga pinakakilalang e-waste item dahil sa kanilang epekto kapag inilagay sa mga karaniwang basurahan sa gilid ng kalsada.

Tinatayang 90 porsyento ng mga nagamit na baterya sa Australia ay napupunta sa landfill, na naglalabas ng mga nakalalasong materyales sa lupa at mga daluyan ng tubig.
解「識」澳洲 - 電子垃圾回收
When batteries are compressed and crushed in waste collection trucks and facilities, they can spark fires putting lives and the environment at risk. Credit: PhotoAlto/Milena Boniek/Getty Images
Ngunit kapag itinapon nang tama, 95 porsyento ng mga bahagi ng baterya ay maaaring mai-recycle at magamit muli sa mga bagong produkto.

Ang mga awtoridad sa estado at teritoryo ay nakipagtulungan sa , national government-backed scheme, na may mga itinalagang drop-off points para sa mga nagamit na household batteries sa mga community recycling centres at malalaking retail outlets.

Kahit na sa pagtatapon ng mga patay na baterya sa isang itinalagang lokasyon, may isang simpleng safety measures na dapat gawin upang maiwasan ang panganib ng pagkakasunog.
Kamakailan, nakakita kami ng ebidensya ng ilang sunog na naganap sa mga recycling centre.
Rebecca Gilling, CEO of Planet Ark
Lithium batteries na karaniwang ginagamit sa mga electric bike at scooter.

Ang mga bateryang ito ay nakikita ding ginagamit sa mga portable electronics tulad ng smartphones, laptops, tablets at digital cameras, para sa malalaking bateryang ito ay nakikita ding ginagamit sa electric vehicles, cars, motorcycles, at sa mga grid energy storage sa solar farms.
Australia Explained - E-Waste Recycling
Lithium-ion batteries are also found in power banks and toys and come in different shapes and sizes. If a battery has “Li” or “Lithium” printed on it, you can safely assume it is a lithium-ion battery. Source: Moment RF / Kypros/Getty Images
Pinakamapanganib ang lithium-ion batteries dahil ang lithium ay maituturing na isang explosive metal.

Maari itong dalhin sa mga electronic stores at local waste management services na nag-aalok ng recycling services sa baterya.

Tulad ng  , , ,  at  .
Australia Explained - E-Waste Recycling
Did you know that e-scooters and bikes run with lithium-ion batteries? These, or in fact any battery, should never go in your household waste or recycling bins.  Credit: Solskin/Getty Images
May drop-off points din sa mga luma at hindi na ginagamit na TV , computer pati mga accessries para mai-recycling ng libre, sa pamamagitan ng government-accredited .
Australia Explained - E-Waste Recycling
The Australian government runs a recycling program free to consumers for televisions and computers, including printers, computer parts and peripherals Source: Moment RF / Schon/Getty Images
Ang mga mobile phones ay maaari ding i-recycle sa pamamagitan ng government-accredited product-stewardship program.

Bisitahin ang kanilang website, at ilagay ang iyong postcodepra mahanap ang drop-off points sa inyong lugar.

Para sa anumang electtronic devices at iba pang materyales o gamit sa bahay na hindi na ginagamit, maaari mong mahanap ang angkop na opsyon para sa pagre-recycle at ang pinakamalapit na drop-off location sa pamamagitan ng pagbisita sa

Australia Explained - E-Waste Recycling
Recycled e-waste can get a new life, for example in road base and construction materials or new batteries, while valuable metals are recovered from dismantled devices. Credit: Mindful Media/Getty Images

Ano ang gagawin kung magliyab ang electronic device o baterya?

Kung nagsisimulang umusok o nagliliyab ang mga ito:
  • Lumikas sa lugar at isara ang mga pinto kung ligtas itong gawin upang mapabagal ang pagkalat ng apoy, tiyakin na walang babalik sa loob ng gusali sa anumang dahilan. Ang mga gas, singaw, at usok mula sa nagliyab na baterya ay lubhang nakalalason at madaling magliyab kaya't huwag itong malanghap.
  • Tumawag sa Triple Zero (000) at maghintay sa isang ligtas na lugar hanggang dumating ang mga bumbero.. 
  • Kung may sinumang na-expose sa tumagas na electrolyte, lumilipad na debris, usok o singaw, o apoy, agad na humingi ng medical assistance.  

Share