Key Points
- Ang mga pagdiriwang ng Pasko ay karaniwang nangyayari tuwing tanghalian sa Disyembre 25.
- Ang Pasko ay sabay school holiday o bakasyon sa eskwela, na nagbibigay daan sa mga tao na ma-enjoy ang mainit na panahon sa pamamagitan ng outdoor activities.
- Maraming Australyano ang nagba-barbecue at nanonood ng Boxing Day Cricket Test match kinabukasan.
Ang mga Australyano ay maaaring umangkop ng ilang tradisyon ng Pasko sa Europa ngunit nagbuo rin ng kanilang sariling mga kaugalian.
Ang Pasko ay isang mahalagang okasyon ng mga Kristiyano sa buong mundo bilang pagdiriwang sa kapanganakan ni Hesukristo. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25 bawat taon.
Samantalang maraming Australyano pa rin ang itinuturin ang Pasko bilang isang relihiyosong pagdiriwang, may iba na itinuturing itong pagkakataon upang maglaan ng oras kasama ang mga mahal sa buhay, magpalitan ng regalo, at magkaruon ng masaganang handaan.
Ang lokal na mga tradisyon tulad ng kilalang Australian 'Christmas Bush', isang katutubong halaman na nagbo-bloom sa kanyang mga pula-pulang bulaklak, ay nag-aambag sa mga palamuti at awit upang lumikha ng isang natatanging karanasan sa pagdiriwang sa mainit na panahon.
Christmas lunch o tanghanglian
Sa Australia, ang mga pagdiriwang ng Pasko karaniwang nangyayari sa tanghalian ika-25 ng Disyembre. Para sa maraming tao, ito ay isang pormal na okasyon.
Ang Managing Editor ng SBS Food na si Farah Celjo ay nagsasabi na may mga pangunahing pagkain na matatagpuan sa maraming hapag-kainan tuwing Pasko.
"Mga bagay tulad ng Christmas ham, snacking boards, maraming seafood, Christmas pudding, tiramisu, trifle, pavlova. At pagkatapos ay kumakain ka rin ng maraming sariwang prutas, kaya't siyempre iniisip mo ang mga cherry, mangga, pekches, at iba pang mga prutas," sabi ni Celjo.
Idinagdag niya na dahil multicultural ang bansang Australia kaya't may maraming paraan upang ipagdiwang ang Pasko at ipahalo ang mga tradisyon sa pagkain.
Christmas Dinner with Salmon Fish Fillet, Scallops, Lobster, Shrimps and Christmas Cake Credit: GMVozd/Getty Images
Madalas ding makita na karaniwan para sa host na hingan ang mga bisita na magdala ng putaheng lulutuin. Ini-rekomenda ni Celjo na pumili ng isang putahe na kumportable kang gawin.
Bagamat hindi siya lumaki na nagdiriwang ng Pasko sa kanyang pamilya, madalas siyang sumasama sa pamilya ng kanyang mga kaibigan. Lagi niyang dala ang kanyang paboritong Bosnian dessert sa kanilang hapag-kainan.
"Palagi akong nagse-celebrate ng Pasko kasama ang aking mga matalik na kaibigan at ang kanilang mga pamilya, kagaya ng kanilang mga pamilyang Griyego o Italiano, kaya't iyon ay talagang kamangha-mangha at puno ng handaan. Lagi akong nagdadala ng dessert. Karaniwan kong ginagawa ay isang tipikal na Bosnian dessert. Karaniwan kong ginagawa ay isang jam shortbread, parang scone shortbread, kumbaga scone dough, puno ng plum jam at ibinabalot sa icing sugar," sabi ni Celjo.
Credit: Bec Parsons/Getty Images
Ginagawa ang mga aktibidad sa labas
Dahil Australian summer o tag-init, ang Pasko ay nangyayari sa panahon ng bakasyon sa eskwela, na nagbibigay daan sa mga tao na mag-enjoy ng mainit na panahon sa pamamagitan ng outdoor activities. Karaniwang ginagawa ay ang mga aktibidad tulad ng paglangoy sa beach, pagkakaroon ng tanghalian sa likuran ng bahay, o pagbisita sa lokal na parke.
"Gusto ko iyon dahil tag-init, napakakaaya-aya, lahat ay magaan ang loob," sabi ni Arriaga.
Boxing Day tradition
Pagkatapos ng exchange gifts at tanghalian sa Disyembre 25, maraming tao sa Australia ang nagdiriwang ng Boxing Day sa pamamagitan ng barbecue at panonood ng laban ng pambansang koponan ng cricket laban sa isang kalaban.
Si Luke Barbagallo, na isinilang sa Brisbane, ay nagsasabing lagi siyang dumadalo sa Boxing Day Test match.
"Ang cricket ay malaking bahagi ng aking paglaki. Noong dekada nobenta at maagang 2000s, mayroon ang Australia ng totoong dominanteng koponan sa cricket, kaya't ang Pasko ay laging parang isang makulay na pagdiriwang, at pagkatapos nito ay mayroon ka pa ng Boxing Day Cricket Test."
"Palaging mayroong pangitain na mananalo ang Australia, positive ako dun. Ang Boxing Day Test ang isang laro ng cricket na talagang pinapanood ko taon-taon," sabi ni Barbagallo.
A family of Indian descent eats Christmas dinner on the patio at home in Australia. Credit: Fly View Productions/Getty Images
Lumikha ng sariling Christmas traditions
Maraming iba't ibang tradisyon na kaugnay ng Pasko, mula sa advent calendar at misa sa hatinggabi o misa de gallo hanggang sa mga awit na pamasko at Christmas trees.
May iba't ibang paraan upang ipagdiwang ang Pasko, maging relihiyoso man o hindi, kaya't maaaring pumili ng mga tradisyon na angkop sa iyo at isama ito sa iyong sariling mga kagustuhan.