Key Points
- Ang Australia ay may ‘no fault divorce’. Kahit isa sa mag-asawa ang mag-apply ng divorce kahit walang pahintulot o consent mula sa kanya at hindi na din kinakailangan magbigay ng paliwanag.
- Karamihan sa mga mag-asawang maghihiwalaya ay maaaring maayos ang tungkol sa parenting at mga usaping pinansyal na hindi na pumunta sa korte.
- Hinihikayat ng Australian legal system ang maghihiwalay na mag-asawa na dumalo sa mediation bago ang pagsali sa paglilitis.
Ang diborsyo ay isang pormal na paraan ng pagbuwag o paghihiwalay ng pagsasama ng mag-asawa.
Dahil sa pagbabagong ito sa relasyon marami ang nakakabit na hamon na haharapin, tulad ng emosyon, sino ang mag-aalaga sa mga bata at dapat maisaayos ang pinansyal na kasunduan lalo na kung may mga batang apektado.
Hindi ito madaling mangyari kung walang suporta sa bawat isa at ng ibang tao na nakapaligid sa kanila.
Dito sa Australia, bahagi ng proseso ng application ng divorce ay dapat mapatunayan ng mag-asawa na talagang hindi na maisaayos ang kanilang relasyon.
Isang taon na din silang hiwalay at may napagkasunduan na sa pag-aalaga sa mga bata o parenting at may financial arrangement na din .
Karamihan sa mga mag-asawang naghihiwalay ay inaayos na ang parenting at financial arrangements bago pumunta sa korte.
“Kung may parenting issues at gustong dalhin sa korte, dapat dadaan sa family dispute resolution. Ito ay isang mediatiion at tinutulungan sila ng family dispute resolution practitioner para makita kung may mabubuong kasunduan sa arrangement ng pag-aalaga ng mga bata," paliwanag ni Eleanor Lau mula sa law firm ng Lander and Rogers.
“Kung ang finances naman ang pag-uusapan, hinihikayat namin ang bawat partido na subukang magkaroon ng kasunduan. Gusto kasi ng korte ngayon na ang bawat partido ay magkaroon ng negotiation bago litisin."

Ayon sa Australian Bureau of Statistics, ang mga edad ng nag-diboryo nong 2020 ay nasa 45.6 para sa mga lalaki at 42.8 para sa mga babae. At nasa 12.2 taon din ang kanilang pagsasama bago sila nagdiborsyo, halos kalahati din ng nag-apply ng divorce ang granted na may mga anak na 18 taong gulang pababa. Credit: fabio formaggio / 500px/Getty Images
Paano gumagana ang mediation
Habang ang pagpunta sa korte ay mas magpapatagal ng proseso ng ilang buwan at gagastos ilang libong dolyar, ang mediation ay magkasing bisa lang at mas madali ang proseso.
Ayon kay Valerie Norton, isang accredited Family Dispute Resolution Practitioner (FDRP), sa datos tinatayang nasa 90 porsyento ng mga nagdi-divorce na mag-asawa ay nagkakasundo ng sila lang para hindi na umabot sa korte para sa paglilitis.
Dagdag nito, bago subukan ang mediation, sinusuri nito ang posibilidad na maging matagumpay ba ang kanilan gusto. Kaya nakikipagkita muna siya sa bawat isa upang masuri kung ano ang nararamdaman nila, at maunawaan ang kanilang mga personal na kalagayan.
Tinutukoy din niya kung magiging angkop ang mediation sa kanilang kaso, sa pamamagitan ng pagkumpirma na walang mga isyu sa mental health, domestic violence, illegal drugs o alak na maglalagay sa mag-asawa sa isang exempt na kategorya para sa proseso ng paglutas ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya.
“Kapag magdesisyon ako, ‘okay, Nakikita ko yong pwede silang magkasundo dahil may pakakatulad sila. At may posibilidad na magkakasundo sila nang hindi na sila pupunta sa korte’, matapos nyan saka na kami magkita lahat para pag-usapan ang mga isyu na paisa-isa,” dagdag nito.

Mayroong maraming mga dapat isaalang-alang upang balansehin kapag ikaw ay dumaan sa isang diborsyo. Pinopondohan ng estado, teritoryo at pederal na pamahalaan ng Australia ang ilang emosyonal, pinansyal at legal na serbisyo ng suporta upang tulungan ang mga dumaan sa paghihiwalay. Source: Moment RF / Kmatta/Getty Images
Sabi nito sinusubukan niyang ilayo ang dating mag-asawa mula sa stress emotionally upang sa halip ay ituon sa mga praktikal na bagay na makakatulong sa bawat partido at sa kanilang mga anak kung maryoon man.
Ang mediation ay tungkol sa paghahanap ng isang lugar ng bawat partido kung saan sila ay nagkakasundo. Hindi ito madali at perpekto, maraming dapat na i-compromise ng bawat partido pero kayang-kaya itong gawin. Mabubuhay sila dito at yan ang magandang mediation, [ramdam ng bawat isa] patas ang kinalabasan para sa dalawang partido’.Valerie Norton, Family Dispute Resolution Practitioner at mental health expert
MORE FROM THE SETTLEMENT GUIDE

How to get a divorce in Australia?
SBS English
06:34
Mga pag-aayos ng ari-arian at kasunduan sa pananalapi
Dagdag nito dito sa Australia, maaaring ang babae o lalaki lang ang mag-apply ng divorce kahit walang pahintulot ng isa sa kanila at hindi na din kailangang ihayag ang dahilan kung bakit gusto nito na tapusin ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Hindi rin totoo na dapat ang mga naipundar na ari-arian noong mag-asawa pa sila ay talagang dapat hatiin ng patas.
Ayon sa abogadong si Eleanor Lau, na may karanasana sa international divorce settlements, dapat ang dalawang partido na humingi ng legal na payo at maglapat ng mga partikualr na pamantayan.
“ Sa mga kasunduan tungkol sa paghahati ng ari-arian, kailangan nating ma-establish kung ano ang mga hahatiin, gaya ng mga kayamanan dito sa Australia at sa labas ng bansa.
“Tapos may iba't ibang uri ng kontribusyon na ating isasaalang-alang at i-aasess. [Ito ay] mga kontribusyon sa pananalapi, mga kontribusyon na hindi pinansyal, at mga kontribusyon bilang isang maybahay at magulang.”

Isinasaalang-alang ng legal na sistema ng Australia ang bilang ng mga variable upang matukoy kung paano mahahati ang ari-arian at mga ari-arian sa pagitan ng magkakahiwalay na partido. Source: Moment RF / boonchai wedmakawand/Getty Images
“Kung ang isa sa inyo ay nagdala ng isang milyong dolyar sa inyong pagsasama o ang isa ay puro utang lang ang dinala - yan ang dapat isaalang-alang kung maghihiwalay. Ang pangalawang i-consider ay kung ano ang kontribusyon na naiambag sa inyon relasyon, financial man yan at non-financial," sabi ni Norton.
Ang mga kontribusyong ito ay labas na sa suweldo ng bawat isa sa kanila.
"Hindi kung gaano karaming pera ang iyong kinita sa trabaho, dahil ang pagiging isang stay-at-home na magulang ay itinuturing na katumbas ng pagiging isang CEO sa isang milyong dolyar sa isang taon. Ito ay higit pa tungkol sa; binigyan ka ba ng mga magulang ng pera para makabili ng bahay? O nakatira ka ba sa kanila ng maraming taon para makaipon para sa isang bahay? Nagmana ka ba? Mga ganyang bagay.”
Ang pangatlong dapat isaalang-alang ay ang kasunduan sa mga naipundar na ari-arian para din sa kanilang pangangailangan sa hinaharap.
Tinitingnan nito ang edad ng bawat isa , ang potensyal na kumita bukod sa iba pang aspeto upang matukoy ang porsyento kung paano mahahati ang mga ari-arian nila.
“Ang ibig sabihin niyan ay; mayroon bang dahilan sa kasong ito na dapat magbigay ng karapatan sa isang partido na tumanggap ng kaunti pa dahil maaaring kailangan ng taong iyon na magkaroon ng mas malalaking pangangailangan sa kanyang pag-move on ?" Paliwanag ni Lau.
“Ang karaniwang senaryo ay; kung ang isang partido ay may malaking pangangalaga sa mga maliliit na bata at ang partidong iyon ay patuloy na gagampanan ang pangunahing tungkulin ng pagiging magulang, at samakatuwid ay hindi maaaring kumita, magtrabaho, o muling pumasok sa workforce, o kumita ng mas mababang kita kaysa sa kabilang partido. Ang mga uri ng mga kadahilanang iyon ay maaaring magbigay ng katiyakan at pagsasaayos sa pabor ng partidong iyon.”
Ang bawat partido ay maaaring magkasundo sa financial settlements o parenting agreement habang nasa family dispute resolution mediation. Hinihikayat kasi ng bawat abogagdo ang kanilang mga kliyente na dapat dumalo dito o makibahagi sa talakayan. Kapag nagkasundo na , ang mag dokumentong ito pwede na i-file bilang consent orders."

Ang mga Family Dispute Resolution Practitioners ay madalas nakikipagtulungan sa mga asawa at kanilang mga abogado sa panahon ng mediation upang magkaroon ng kasunduan. Pinapayuhan ng mga eksperto ang mga mag-asawang naghihiwalay na may mga anak na isaalang-alang ang kapakanan at pangangailangan ng kanilang mga anak sa panahon ng negosasyon. Credit: Maskot/Getty Images
Legal na payo at emotional support
Payo ni Lau napaka-importante para sa mga taong maghihiwalay na dapat isantabi ang emosyon o nararamdaman at humingi agad ng legal na payo sa eksperto.
"Minsan ang mga partido ay maaaring maantala dahil hindi sila handa, ngunit sa palagay ko mahalagang malaman ano ang desisyon mo, kung ano ang iyong mga karapatan at obligasyon, at pagkatapos ay maaari kang maglaan ng ilang oras upang pag-isipan sa mga tuntunin kung ano ang gusto mong gawin. Ngunit sa tingin ko napakahalaga na makakuha ka ng legal na payo sa lalong madaling panahon. Ito ay lalo na kung ang mga ari-arian sa ibang bansa ay kasangkot."
Ang paglagda ng isang umiiral na financial agreement bago ang simula ng relasyon o habang may relasyon ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga nais na maiwasan ang stress kung may potensyal ng paghihiwalay sa hinaharap. Ang binding financial agreement ay maaaring gamitin bilang final settlements.

Ang Family Dispute Resolution Practitioners ay mga rehistrado at sertipikadong propesyonal, na kinikilala ng Australian Attorney-General's Office. Source: Moment RF / d3sign/Getty Images
Para naman sa mga taong hindi kayang magbayad ng private lawyer andyan naman ang libreng Legal Aid o community legal centres.
Maari ding makipag-ugnayan sa Relationships Australia, ito ay pinondohan ng gobyerno na tumutulong sa mga pamilya na dumadaan sa hiwalayan o diboryso, sa paraan ng pagbibigay na legal advice at maaari din itong kumunekta sa mga murang accredited mediators at counsellors.
“Ang pagdaan sa isang uri ng serbisyo ng Relationships Australia ay maaaring mabawasan ang maraming mga gastos na kung hindi man ay maaari mong makuha sa pamamagitan ng pagpunta sa mga abogado.Kaya malinaw naman, kung maiiwasan mo ang pagbabayad ng lahat ng mga legal na bayarin na kasama ng pagpunta sa korte, pagkatapos ay may mas maraming pera na natitira upang harapin ang iba pang mga bagay, "sabi ng Relationships Australia CEO Nick Tebbey.
Bagamat ang Relationships Australia ay hindi maaring magrepresent sa korte, sila ay nagbibigay ng emotional support, at counselling services sa mga pamilya na dumadaan sa paglilitis.
“Higit pa tayo sa isang serbisyong nakabatay sa transaksyon. Hindi lang natin tinitingnan ang hiwalayan at lutasin kung sino ang makakakuha ng ano. Tinutulungan namin ang mga tao na gawin ang lahat. Napakaraming emosyon. Kailangang iproseso iyon at pagsikapan iyon at, kung may mga anak na kasangkot, malinaw na may patuloy na relasyon sa pagitan ng mga magulang na iyon kahit na sila ay diborsiyado.”
Ayon pa sa legal at mental health na mga eksperto pinakamahalagang bgay na kailangan mong isaalang-alang sa pagkikipagborsyo ay ang pangangailagnan sa hinahanarp ng mga bata at kapakanan ng mga bata.
Bahagi na ang paghilum ay ang pag-tanggap na nagbao na ang relasyon hindi na gaya ng dati.
“May ilang mga relasyon na hindi talaga tinadhana... at sa puntong ito lahat ng tao ay maaaring magka-move on, at mayroon silang masaya at masagang buhay., malay mo may naghihintay para sa iyo sa hinaharap .
“Sa pamamagitan ng pagtanggap niyan at pag-alis ng ilang stigma at kahihiyan kung ano ang diborsiyo, tinatanggap namin na ito ay talagang isang normal na proseso lamang. Higit na tumututok sa kung ano ang kailangang gawin mula sa isang praktikal na pananaw, kaysa sa emosyonal na proseso ng paninisi," pagtatapos na payo ni Tebbey.
Resources
- Learn more about
- The