Paano maghanap ng mauupahan o rental property sa Australia

wan man mo woman eii stanap long foret blong wan haos

Sa pagkakaroon ng napakababang bilang ng mga bakante, mas mahirap kaysa noon ang maghanap ng isang property upang upahan. Credit: xavierarnau/Getty Images

Sa ngayon, mas mababa sa 50,000 na mga property ang maaaring maupahan sa buong bansa. Dalawang taon na ang nakalilipas, halos doble ang bilang na iyon. Sa pagkakaroon ng napakababang bilang ng mga bakante, mas mahirap kaysa noon ang maghanap ng isang property upang upahan. Ang pag-unawa sa proseso ay magbibigay sa iyo ng malaking kalamangan.


Key Points
  • Karamihan sa mga property ay ina-advertise sa mga pangunahing rental websites.
  • Ang mga ahente at mga may-ari ng property ay nangangailangan ng personal na impormasyon mula sa iyo, kaya't siguraduhing handa ang iyong dokumentasyon bago mag-apply.
  • Bisitahin ang mga ahente sa panahong gusto mong mangupahan, upang ipaliwanag ang iyong hinahanap, at palaging suriin ang kanilang preferred na paraan ng pag-aaplay.
  • Gamitin ang iyong mga social media network sa komunidad.
Ang paghahanap ng isang property para upahan ay mahirap kaya dapat seryosohin katulad ng isang job interview. Ito ang payo ni Greg Bader, CEO ng rent.com.au, ang pinakamalaking rental portal sa Australya.

Sinabi niya na hinihingi ng mga may-ari at mga ahente ng property ang personal na impormasyon tulad ng patunay ng kita at mga reference, na maaaring lumikha ng mga hadlang para sa mga taong bagong dumating mula sa ibang bansa.

"Isa sa pinakamahalagang bagay ay ang history ng pag-upa, kaya kung bago ka pa lamang dumating sa bansa, tiyak na wala kang maipapakitang lokal na kasaysayan."

Gayunpaman, hindi pa lahat ay nawawala, kaya't gumugol ng oras upang maunawaan ang lahat ng iyong mga pagpipilian..

Online rental portals

Karaniwang hindi furnished ang rental property at kailangan ng hindi bababa sa isang taon na ugnayang pangungupahan, na karaniwang pinalalawig.

Ang mga pangunahing website ng pag-upa tulad ng rent.com.au, realestate.com.au, at domain.com.au ay naglilista ng mga property na may kasamang lingguhang upa at oras ng inspeksyon.

Kapag binibisita ang isang property, tandaan na karaniwang tumatagal ang mga inspeksyon ng mga 15 minuto at maaaring mas maraming tao tuwing mga araw ng Sabado at Linggo kumpara weekdays.

Sydney Suburb overhead perspective roof tops
Halos naging kalahati na lamang ang bilang ng mga available na property para sa maupahan kumpara sa nagdaang dalawang taon. Source: iStockphoto / mikulas1/Getty Images/iStockphoto

Paano mag-apply ng rental property

Dahil wala pang pambansang batas na nagre-regulate sa 800,000 na mga ahente ng real estate sa Australya, ang proseso ng pag-aaplay ay maaaring magkaiba-iba.

Gayunpaman, karaniwang kailangan mong magkaroon ng sumusunod para mag-apply sa isang property online:


  • 100 points ng photo ID tulad ng passport o driver’s licence 
  • Patunay ng kinikita 
  • Rental history at contact details ng nagdaang landlords 
  • Personal references.  
Karaniwang itinuturo ng mga ahente ang kanilang online na tool ng aplikasyon upang maipasa ang iyong impormasyon. Susuriin nila ang mga dokumento at pipili ng isang tenant.

Dahil gumagamit ang iba't ibang ahente ng magkaibang application tools, maaaring kailanganin mong ipasok ang iyong mga detalye sa ilang mga portal.

Ayon kay Greg Bader, ang sikreto sa competitive market ay makipag-usap sa ahente bago mag-apply.
Ang pinakamahalagang bagay na kailangan mong gawin ay kapag binibisita mo ang property, itanong sa ahente ng real estate ang kanilang gusto na paraan ng pag-aaplay - dahil karaniwang tatanggap ang agent ng mga aplikasyon mula sa iba't ibang sources, mula sa email hanggang sa telepono hanggang sa online. Sa ganitong paraan, maaari mong matiyak na nasa listahan ka ng mga kinokonsiderang aplikante ng property.
Greg Bader, CEO, rent.com.au.
Real estate agent showing a property to a couple
It is important to speak to the realestate agent directly before applying for a rental property. Credit: andresr/Getty Images

Mga alternatibong opsyon sa rental websites

Kapag wala kang patunay ng rental history, mayroong iba pang mga pagpipilian.

Sa Melbourne, si Nick, isang may-ari ng maliit na negosyo, ay nagharap ng ganitong sitwasyon dahil wala siyang kasaysayan sa pag-uupa o payslips.

Gayunpaman, aktibong lumapit siya sa kanyang lokal na ahente sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng sulat ng introduksyon, na nagpapaliwanag ng kanyang sitwasyon at may 20 taon ng nangungupahan sa isang property.

"Pinatunayan ko sa kanila na ako ay kakayahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga tax return at pagpapaintindi sa kanila na kailangan kong mag-upa matapos ang mahabang panahon at isa akong mahalagang kliyente."

Malakas na inirerekomenda ni Greg Bader na makipag-ugnayan nag-aaply ng property sa mga ahente sa kanilang pinipiling lugar sa madaling panahon.

"Sa panahon ng inspeksyon, wala talagang oras para ipakilala ang sarili at isa kang maayos na kliyente at may kakayahang mag-upa," aniya. "Sa pagpunta sa kalagitnaan ng linggo at pagkakataong iyon na ipaliwanag ang iyong hinahanap, mga kaunting impormasyon tungkol sa iyong sarili, na ikaw ay may gusto sa property na kanilang inaalok, ang mga bagay na ito ay tunay na makatutulong."

Man giving house keys to a woman
Halos kalahati na lang ang bilang ng available na property para maupahan kumpara sa nakaraang dalawang taon. Source: iStockphoto / chameleonseye/Getty Images/iStockphoto

Mga ari-arian sa social media

May ilang mga may-ari ng property ang piniling ilista ang kanilang mga property sa mga social media site, ngunit mahalaga na maging maingat sa posibleng mga scams o panloloko.

Huwag mag-commit sa isang property sa pamamagitan ng telepono o magpadala ng pera nang hindi personal na nakakita ng property at nagpapatunay na nakikipagtransaksyon ka sa lehitimong may-ari o awtorisadong ahente.

Sa kabilang banda, ang iyong mga social media network ay maaaring isang magandang paraan upang makipag-ugnayan sa mga taong nakaranas ng pareho ng iyong sitwasyon.

"Kahit na sa mga komunidad ng mga taong parehong bansa ng pinagmulan, parehong relihiyon, parehong sports club - makipag-ugnayan sa mga komunidad na iyon at magkakaroon sila ng mga kontak," sabi ni G. Bader.
Maraming mga ahente ng real estate sa mga partikular na mga suburb na nakakapagbigay serbisyo sa mga taong bagong salta sa Australia.
Greg Bader, CEO, rent.com.au
Isang halimbawa ng ganyang ahente ay si Bijan Rahimi, Head of Rentals ng Love & Co sa hilagang bahagi ng Melbourne.

Dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad na nagsasalita ng Farsi, natugunan niya ang mga hadlang sa wika at kultura upang matulungan ang mga tao na makahanap ng tirahan sa pamamagitan ng word-of-mouth at mga post sa social media.

Ang mga serbisyong pangkomunidad tulad ng ay nag-uugnay din kay Rahimi sa mga bagong dating na naghahanap ng tirahan.

"Malaking tulong kung alam mo ang kanilang pinanggalingan at kaya mong mag-salita ng kanilang wika," aniya.

"Sa pagbibigay sa kanila ng isang property, pagpapaliwanag kung paano ginagawa ang mga bagay dito, ano ang kanilang mga obligasyon at pagsisigurong sila'y maalagaan, ito'y nagpapadali o maayos na relasyon sa nangungupahan at ehente pati na din mapadali ang kanilang buhay."

Ang mga resource ng rental websites na ay nagbibigay ng lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa pag-upa, kasama ang mga tip sa aplikasyon at mga inaasahan tulad ng pagbabayad ng bond kapag naipagkatiwalaan mo na ang isang property.



Share