Paano maging kaalyado o advocates ng mga First Nations

How to become a First Nations advocate

Young aboriginal students studying together outdoors in the sun in Australia. Credit: SolStock/Getty Images

Ang mga tagapagtanggol o kaalyado ng mga First Nations ay tumutulong sa pagpapalakas ng boses ng mga katutubong komunidad sa Australia. Narito ang ilang aspeto na dapat isaalang-alang kaugnay ng pagtatanggol at 'kaalyado' sa mga komunidad ng mga First Nations.


Key Points
  • Alamin ang tungkol sa kasaysayan ng mga komunidad ng First Nations at unawain ang relasyon at kanilang naranasan kasama ang mga hindi katutubo.
  • Alamin ang mga tradisyunal na tagapamahala ng lupa kung saan ka nakatira.
  • Ang mga multicultural na komunidad ay maaaring kumuha at mag-ambag mula sa mga karaniwang karanasan.
Ayon kay Dr. Summer May Finlay isang Yorta Yorta woman , Para maging kaalyado ng mga First Nations ay nangangahulugang ang isang tao ay katuwang at aktibong sumusuporta sa mga isyu at mga layunin na may kahalagahan sa mga katutubong komunidad.
Summer May Finlay.jpg
Dr Summer May Finlay.
"Ang pagkakaroon ng mga kaalyado sa ating piling ay tumutulong sa atin na palakasin ang aming mga tinig at ipakita ang kahalagahan ng mga isyu na kinakaharap namin. Maliwanag na mahalaga ito kapag nagsusulong ng pagbabago," aniya.

Habang walang tiyak na landas, may mga bagay na maaaring gawin ng mga hindi katutubo upang maging mga kaalyado.


E-educate ang iyong sarili

Katulad ng alin mang relasyon, ang unang hakbang para maging mabuting kaalyado o tagapagtagnggol ay 'ang makilala ang mga tao,' ayon kay Karen Mundine, isang Bundjalung woman at CEO ng

"Dapat magsimula ito sa pag-unawa sa relasyon at ang sitwasyon na ating kinakaharap ngayon kasama ang mga First Nations at iba pang mga Australians, at pag-unawa sa kasaysayan, sa mga bagay na nangyari sa relasyong iyon."

Idinagdag ni Mundine na ang proseso ay maaaring pagyamanin ang pagkatao ng sinumang Australian.

"Ito ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaruon ng kanilang sariling koneksyon sa mga tao, sa bansa, at sa lugar," sabi ni Mundine.

Karen Mundine Pic Joseph Mayers.JPG
CEO of Reconciliation Australia, Karen Mundine Credit: Reconciliation Australia Credit: Joseph Mayers/Joseph Mayers Photography
Mahalaga na maglaan ng oras ang mga hindi katutubo o non-Indigenous people para magkaruon ng kaalaman gamit ang mga mapagkakatiwalaang resources, dagdag ni Dr. Finlay.

"Ang isang kaalyado ay isang taong naglalaan ng oras upang magkaruon ng kaalaman , sapagkat kami ay tatlong porsyento lamang sa buong ng populasyon ng bansa," aniya.

"Kung susubukan nating e-educate ang lahat, wala na tayong ibang magagawa."

Bagaman maraming mapagkukunan para malaman ang mga impormasyon tungkol sa mga First Nations, naniniwala si Mundine na isang magandang simula ay ang pag-aaral tungkol sa mga tradisyunal na tagapamahala ng lupa o traditional owners of the land sa lugar kung saan ka nakatira, sa pamamagitan ng mga organisasyon ng mga First Nations at mga lokal na konseho.

Sinabi ni Dr. Finlay na ang Reconciliation Australia o ang mga reconciliation council sa iyong estado ay ilan sa mga mapagkukunan o resources.

Tingnan ang lahat ng tao na pantay-pantay

Si Luke Pearson ay isang Gamilaraay man at ang founder ng isang online platform na nagpapakita at nagdiriwang ng iba't ibang tinig ng mga katutubo.

Bagamat maaaring lahat ay may papel para sa positibong pagbabago, ipinaliliwanag niya ang kanyang damdamin hinggil sa mga termino na ally at allyship sa kontekstong ito.
Luke Pearson.jpg
Founder of Indigenous X platform, Luke Pearson
"Ang dahilan kung bakit ayaw ko sa ganyang termino ay upang subukan na alisin sa sentro ang mga hindi katutubo mula sa layunin ng katarungan para sa mga katutubo. Kung ikaw ay gumagawa ng mabubuting bagay at tumutulong, iyon ay maganda. Pero hindi mo dapat kailangan ng label o stiker o gawin itong tungkol sa iyo sa paraang iyon.

"Ang layunin ay hindi para sa iyo na maramdaman ang saya; ang layunin ay mapabuti ang mga resulta para sa mga katutubo."


Share