Paano magsimula ng sariling negosyo sa Australia

Pikja blong wan praod female bisnis ona we i salem flaoa

Australia Explained - Hao blong statem wan bisnis long Ostrelia Credit: MoMo Productions/Getty Images

Ang pagsisimula ng negosyo o pamumuhunan sa Australia ay may ilang mga benepisyo. Kasama dito ang suporta para sa innovation, entrepreneurship, at paglago ng maliit na negosyo sa pamamagitan ng imprastruktura, skilled workforce, government initiatives, grants, pondo, at tax incentives.


Key Points
  • Ang negosyo ay maaaring ilakad bilang solo negosyante, kumpanya, o partnership.
  • Ang lahat ng uri ng negosyo ay kinakailangang magparehistro para sa GST kung ang kanilang kita ay lumampas sa $75,000.
  • Nagbibigay ang Australia ng iba't-ibang mga pagpipilian sa pondo para sa mga nagnanais na maging negosyante, kabilang ang mga grant, utang, at pribadong mga investor.
Ang masiglang ekonomiya ng Australia at ang suporta na nakukuha ng mga negosyante sa gobyerno at ilang sektor ay nagbibigay ng magandang kapalaran sa mga negosyo.

Ang pagsisimula ng maliit na negosyo ay maaaring rewarding, maaaring ipakita ang kakaiba mong ideya o gusto mo talaga itong pagkakakitaan.

Ayon kay Nadine Connell, ang Direktor ng , naniniwala na ang Australia ay isa sa pinakamadaling lugar sa mundo para sa negosyo. Mayroong simpleng 10% GST system na may competitive tax rates, at ang pag-setup ng ay madali.
Mayroong maraming government incentives sa pamamagitan ng mga grant. Sa tingin ko, may higit sa 70 bilyong alok sa buong Australia, at mayroong malinaw na mga regulasyon at pahintulot para sa iyo na maging malikhain o innovative.
Nadine Connell
Ang magkaibigang nurse na sila Mark Maranan at Francis Antoque naranasan kung ano ang sinasabi ni Connell.
Baon ang lakas ng loob binuksan nila ang isang bubble tea shop na Boba Central sa Ballarat, Victoria.

Laking pasasalamat nila sa gobyerno sa kanilang pagsisimula dahil may natanggap silang tulong at suporta kabilang ang libreng unang renta at bawas sa buwis.

"Maraming opportunities ang ibinigay ng gobyerno sa mga small business enterprise and just recently binigyan kami ng fridge na energy saving fridge", kwento ng magkaibigang Mark at Francis.

Pahayag naman ni Abdalla Abdallah, na isang economics analyst sa Sydney, ang Australia ay may matatag na ekonomiya.

At ang isang matatag na ekonomiya ay naglalaan ng pundasyon para sa mga mamumuhunan at negosyante.

"Our economy grows steadily, except for a small period during COVID, where we saw some recession. However, in the past three decades or so, we've been growing steadily. So, this is an indication, of course," paliwanag ni Abdallah.

Dagdag nito ang Australia ay nagbibigay din ng napakagandang legal framework para sa mga may-ari ng negosyo.

"The legal system is transparent. And most importantly, the level of corruption in Australia is low," sabi ni Abdallah.
1632969295970.jfif
Economics Analyst Abdallah Abdallah

Uri ng Negosyo

Bago ka maglaan ng oras sa pag-plano ng iyong negosyo, mahalaga na maunawaan mo ang mga istraktura ng negosyo sa Australia.

Maaari kasing mag-operate na sole trader o solong negosyante, kumpanya o partnership at bawat isa ay may kanya-kanyang set ng responsibilidad at legal na mga kinakailangan.

Kapag napili mo na business structure, kailangan mong irehistro ang iyong negosyo at tiyakin ang pagsunod sa lokal na mga batas at regulasyon.

Ayon kay Connell, ito ay isang manageable na proseso at maraming mga mapagkukunan ang available upang gabayan ka.

Ang karamihan sa kinakailangang impormasyon para magparehistro bilang sole trader at makakuha ng Australian Business Number (ABN) ay makikita sa website ng gobyerno ng iyong estado.

Ang lahat ng uri ng negosyo ay kinakailangang magparehistro para sa GST kung ang kanilang kita ay lumampas sa $75,000.
Counting the Tip Jar
If you need financial support to start your business, Australia offers many outlets that you can reach out to. Credit: SolStock/Getty Images
Kung kumpanya ang gustong itatag dapat makipag-ugnayan sa isang accountant para matulungan kang i-set ang iyong sa Australian Securities and Investment Commission, sabi ni Abdallah.

"For companies, we have to register a separate tax file number. Remember, for sole traders, the business is linked to their own ; there is no differentiation. But for companies, companies have to have its own TFN," dagdag nito.

Mahalaga ang Business planning

Isang pang mahalagang aspeto na dapat isaalang-alang ay ang pagbuo ng isang maayos na business plan, na kadalasang itinuturing na isang ‘road to success'
Customer shops for bike
Business can be operated as a sole trader, company, or partnership. Credit: Superb Images/Getty Images

Pinansyal na Suporta

Kung kinakailangan mo ng financial support upang simulan ang iyong negosyo, marami kang pwedeng mapupuntahan.

Ibinahagi naman ni Connell ang kanyang kaalaman hinggil sa iba't-ibang financing options na maaaring pagpilian kabilang ang mga grants, loans, at private investors.

Dagdag pa niya, maraming grant ang nakalista sa website ng gobyerno ng Australia, , sa pamamagitan ng tab na "grants and program finder," na natatangi para sa iba't-ibang industriya.

"People can search through those, but they also have state governments. All the state government websites have their grants listed online as well. And then the local council in your local LGA often has grants as well."
Image.jfif
Nadine Connell - Director of Smart Business Plans Australia
Dagdag paliwanag ni Cassandra Gibbens, , , maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa karagdagang impormasyon tulad ng Services NSW.

Magbibigay gabay din ito sa business start-up journey mo.
Ang aming serbisyong business concierge ay nagbibigay ng tulong sa mga negosyo sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa financial assistance na available para sa start-up businesses sa iba't-ibang sektor ng gobyerno at kumokonekta sa kanila sa mga grant at rebate na maaaring makuha nila.
Cassandra Gibbens
Idinagdag niya na bawat business concierge ay makikipag-usap sa kanilang customer at titingnan kung ano ang maaaring magamit na bagay sa kanila at batay sa kanilang kalagayan.

"They will be able to identify the supports available in different industry groups and connect start-ups with these opportunities. The Business Concierge can also connect business start-ups with an independent advisor. Who can provide information on everything they need to start a business, including advice on how to access finance," pahabol ni Gibbens.

Share