Paano maiwasan ang mabiktima ng scammers o identity theft sa Australya

Hacker

Pinapayuhan ng mga eksperto na panatilihing updated ang iyong mga device gamit ang pinakabagong software, kabilang ang antivirus software. Source: Moment RF / krisanapong detraphiphat/Getty Images

Identity crime o kremin na may kinalaman sa pagnanakaw ng iyong pagkakakilanlan ay isang malaking alalahanin ngayon ng bansang Australya. Marami sa mga indibidwal, kompanya pati ang gobyerno ang nalugi ng ilang milyong dolyar. Subalit ayon sa mga awtoridad maraming paraan para maiwasang mabiktima ng mga magnanakaw na ito.


Key Points
  • Ang mga paraan ng pagnanakaw ng data ay kinabibilangan ng phishing, skimming, social engineering, hacking, at dumpster diving. 
  • Ang identity theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan ay maaaring nangyayari online o office o kombinasyon ng dalawa.
  • Kung naniniwalang biktima ng panloloko agad tumawag sa mga awtoridad o organisasyon na maaaring makatulong sa mga biktima.
Isang alalahanin ng bansang Australia ang paglaganap ng identity crime o kremin na may kinalaman sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Dahil dito maraming negosyo, mga indibidwal pati na ang gobyerno ng bansa ang nalugi.

Ayon sa Scamwatch, ito ay isang website na pinangangasiwaan ng Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) para turuan ang publiko sa pagkilala, pag-iwas at pagre-report ng mga scam. Umaabot na kasi sa 568 milyong dolyar ang nalugi ng bansa sa taong 2022 dahil sa scam.

Ang bilang na iyong ay kumakatawan sa halos 80 porsyento ng pagtaas mula sa naiulat na pagkalugi noong nakaraang taon, na umabot lamang sa mahigit $320 milyong dolyar.

Dahil ang mga biktima ng scam ay hindi nagsusumbong o nag-report sa mga awtoridad, kaya naniniwala ang mga eksperto ang statistics na ito ay kaunti lamang sa tunay na bilang.

Digtal identity
Maaaring ma-access at maubos ng mga kriminal ang laman ng iyong sariling bank account, o maghiram ng pera gamit ang iyong pangalan o kumuha ng mga bagong linya ng credit cards. Credit: John Lamb/Getty Images
Paliwanag ni Dr Suranga Seneviratne isang Senior Lecturer ng Security sa School of Computer Science sa Sydney University.

Maituturing ang pangyayari na identity theft kung ang personal na impormasyon ng isang tao ay ninakaw at ginamit para sa mapanlinlang na layunin at pinansyal na pakinabang.


"Halimbawa sa mga ginagawa ng mga scammers ay ginagamit nila ang iyong credit card o aya gamit ang personal mong mga impormasyon naghihiram sila ng pera, yong tax return at mga benepisyo mo, " kwento ni Dr Seneviratne.

Anu-ano ang mga ninanakaw ng mga bercriminals?

  • Pangalan. 
  • Araw ng kapanganakan. 
  • Driver’s licence number. 
  • Address. 
  • Apelyedo ng ina. 
  • Lugar ng kapanganakan. 
  • Mga detalye ng credit cards. 
  • Tax file number. 
  • Detalye g Medicare cards. 
  • Passport information. 
  • Personal Identification Number (PIN). 
  • Online account username and login details. 
Paliwanag ng Deputy Chair ng ACCC na si Catriona Lowe kahit ang kaunting impormasyon na makukuha nila kapag naipon malaki na ito para sa mga scammers.

Ang mga scammers ay kumukuha ng mga larawan mula sa iyong social media account at ginagamit ito bilang pekeng account.
Catriona Lowe, Deputy Chair, ACCC 
"Kaya payo ko sa lahat mag-ingat at mapagmasid, lalo na huwag ibahagi ang personal na mga impormasyon," dagdag ni Dr Lowe.
Authorities warn to limit what you share online.
Nagbabala ang mga awtoridad na maging maingat sa pag-post ng personal na impormasyon sa mga social media platform. Source: AP / Eraldo Peres/AP
Kabilang sa mga paraan ng identity theft: 
  • Phishing: Ang scammer o attacker ay nagse-send ng email o mensahe na kunyari galing sa isang legit na source tulad ng government agency humihingi ng personal na impormasyon. Kapag nakuha nila ang iyong sariling impormasyon, ginagamit nila ito para makapanloko.
  • Skimming: Gamit ang isang device ninanakaw ang mga personal na impormasyon ng iyong credit o debit card gamit ang magnetic strip. Inilalagay nila ito sa ATM , gas pumps at card readers.
  • Social engineering: Niloloko nila ang isang tao para makuha ang personal ana impormasyon gamit ang paraan pretexting, baiting, o quid pro quo. 
  • Hacking: Sinisira nila ang computer system para nakawin ang personal na impormasyon o kaya naglalagay si la ng malware para makuha ang masisilan o personal na impormasyon.
  • Dumpster diving:Kabilang dito ang paghalungkat sa basura ng isang tao upang mahanap ang personal na impormasyon tulad ng mga bank statement o mga resibo ng credit card.

Ano ang ginagawa ng mga manloloko sa mga nakuhang personal na impormasyon?

Ang pinakakaraniwang paraan ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan sa Australia ay ang financial identity theft, pandaraya sa Medicare, Superannuation fraud, tax fraud at pagnanakaw ng pagkakakilanlan ng bata o child identity theft.
Ang magagawa ng mga scammers sa kanilang biktima ay depende sa kalidad at dami ng personal na impormasyon na nakuha nila.
Catriona Lowe, Deputy Chair, ACCC 
Ang mga impormasyon ito ay maaari nilang gamitin sa:
  • mag-apply ng credit card gamit ang iyong pangalan
  • magbukas ng bank account o building society account sa iyong pangalan 
  • mag-apply ng iba pang financial services sa iyong pangaln
  • Mangutang ng pera agmit ang iyong credit card o manghiram ng pers sa iba gamit ang iyong pangalan. 
  • mag-apply ng benepisyo sa iyong pangalan (halimbawa, housing benefit, new tax credits, income support, job seeker's allowance, child benefit) 
  • apply ng driving licence sa iyong pangalan  
  • irehistro ang sasakyan sa iyong pangalan 
  • mag-apply ng trabaho gamit ang iyong pangalan. 
  • apply ng passport sa iyong pangalan. 
  • mag-aaply ng c bagong cellphone sa iyong pangalan. 
Ayon naman kay Sarah Cavanagh ang manager ng Community Outreach ng IDCare, ito ang nagbibigay ng cyber support service sa Australia at New Zealand na national ID.
Dapat din mag-ingat sa mga tawag sa telepono na humihingi ng personal na impormasyon.

“Kung mag signal ang iyong cellphone ng SOS mode, nangangahulugan ito ng SIM swapping, at nagpapanggap sa iyo sa isang telecommunications provider at nagbukas ng bagong mobile number at inilipat ang iyong account sa numerong iyon,” paliwanag ni Cavanagh.

Businesswoman using laptop and mobile phone logging in online banking account
Buksan o gamitin ang two-factor authentication sa iyong mobile banking, email, at social media accounts. Source: Moment RF / Oscar Wong/Getty Images

Paano mo maproteksyonan ang iyong sarili?

Sabi ni Dr Lowe recommends mag-isip ng ilang beses bago mo ilagay ang personal na impormasyon o detalye sa isang hindi pamilyar na website , kabilang ang online stores.
Huwag buksan ang kahinahinalang mga email o i-click ang mga links ng emails. Burahin ang emails at text messages.
Catriona Lowe, Deputy Chair, ACCC 
Inirerekomenda ni Cavanagh mag-ingat sa mga tumatawag sa telepono na humihingi ng personal na impormasyon.
Dagdag pa nito gumawag ng mahirap at hindi pangkaraniwang na password para sa online account at huwag gumamit ng iisang password sa dalawang beses na account.

Itago ding mabuti ang mga personal na dokumento lalo na kung babyahe.

Internet troll
Ang mahinang password ay madaling nakukuha ng cybercriminals at sa ngayong mayroon ng sofware na naghuhula ng password ng ilang bilyong password sa bawat segundo. Credit: Peter Dazeley/Getty Images

Ano ang gagawin kapag nabiktima ng identity therft?

Karamihan ng mga biktima ng identity theft ay hindi alam kung paano sila nabiktima.


Sabi naman ni Cavanagh dapat maging mapagmatyag at maging alerto sa mga sinyales na ikaw ay biktima ng pagnanakaw.

Kontakin ang IDCARE kung naniniwala ka na biktima ka ng identity theft para turuan ka ng mga hakbang sa kung ano ang gagawin .

Mahalaga din na makipag-ugnayan sa mga organisasyon na tumutulong sa ganitong pambibiktima at ugaliing i-check ang iyong accounts.
I-reset ang password at pins sa lahat ng iyong account at buksan ang multi-factor authentication. At palaging i-check ang mga pagbabago sa contact details na naka-link sa iyong mga accounts.
Sarah Cavanagh, Manager of Community Outreach, IDCARE

Paano mag-apply ng credit ban?

Kung naniniwala kang biktima ka ng identity fraud maghain ng reklamo sa reporting companies tulad ng banko o lender para i-ban at hindi na magamit ang iyong account.

Paliwanag ni Andrew Grant,isang senior lecturer sa Discipline of Finance sa Sydney University, Kung naniniwala kang biktima ng identity fraud o panlilinlang maaari kang humingi ng tulong sa credit reporting companies tulad ng bangko o lender, para hindi ka mawalan ng pera sa iyong account.

Financial Wellness Credit Scores
Ang mababang credit score ay maaaring makapinsala sa iyong kakayahang mangutang, makakuha ng magandang rate ng interes, o tumaas ng limitasyon sa paggastos sa credit card. Source: AP / John Raoux/AP

May tatlong bureau na maaaring kang magsumbong sa Australia ito ay ang  , , at .

Kung mag-apply ng credit ban, kailangang i-kompleto ang iyang online application.

Ang ay mayroon listahan para sa inisyal na 21-day credit ban at ipinaliwanag dito kung paano i-extend hanggang 12 buwan ang ban o kung kailan ito tatapusin.

Payo din Cavanagh suriin ang credit report isang beses sa isang taon para makita kung may illegal na mga transaksyon.

“Stop. Think. Protect.”

kahit sino maaaring mabiktima ng identity theft, kaya dapat mag-ingat at alamin kung ano ang maaaring gawin para makaiwas na mabiktima.

"Stop — Huwag ipamigay kanino o ibahagi ang personal na impormasyon o computer access.

Think — Isipin kung ligtas ba o kung sino ang ka-transaksyon

Protect —kung naniniwala kang biktima ka ng scam makipag-ugnayan sa IDCARE at sa iyong bangko at i-report ito sa Scamwatch.
Karagdagang impormasyon
  • Kung magsumbong ng scam, kumpletuhin ang  o i-report it via sa  website.
  • Contact  kung tungkol sa identity theft, tumawag sa 1800 595 160 (Aus) or 0800 121 068 (NZ).
  • Para sa karagdagang impormasyon tumungo sa   .

Share