Paano makakakuha ng Australian Driver's License

Driver training exam.

Isang babae sumasailalim ng pagsasanay sa pagmamaneho sa isang daan sa Auckland, New Zealand. Credit: nazar_ab/Getty Images

Nag-aalok ng mas maraming oportunidad kapag marunong kang magmaneho ng sasakyan pero kay kasamang itong malaking responsibilidad lalo't buhay ang tao ang nakasalalay dito. Sa Australia, maraming pagsusulit ang dapat gagawin para makakuha ng lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan. Alamin ang mga maahalagang impormasyon ukol dito.


Key Points
  • Ang drivers license ay legal na permit para makapagmaneho ng sasakyan dito sa Australia.
  • Ang mga estado at teritoryo ng Australia ay may sariling patakaran sa pagkuha ng lisensya, kaya magkaiba din ang batas sa bawat hurisdiksyon.
  • Bago makakuha ng full licensed ang isang driver, sasailalim ito sa maraming pagsusulit.
  • Ang mga lisensya ng migrante ay maaaring ma-convert ang kanilang overseas license sa Australia sa mas mabilis na paraan depende sa kanilang kalagayan.
Ang driver’s license ay opisyal permit na nagbibigay pahintulot sa isang tao na magmaneho ng sasakyan o motor vehicle.

Dito sa Australia, maraming hakbang ang gagawin para makakuha ng lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan.

Maliban dito may iba’t ibang proseso din ang dapat na gagawin depende sa laki at uri ng sasakyan na nais mong imaneho.

Ang proseso para makakuha ng lisensya sa pagmaneho ng maliit o car license ay iba sa pagkuha ng lisensya para sa pagmaneho ng motorsiklo, pampasaherong sasakyan tulad ng bus o ang mga heavy vehicles.

Magkaiba din ang mga patakaran sa pagitan ng mga estado at teritoryo sa buong bansa. Subalit, marami ang pagkakatulad sa mga hurisdiksyon.

Sinabi ni Louise Higgins Whitton ang NSW Transport’s Director of Road Safety Strategy and Policy.

Ang unang hakbang na gagawin ay dapat matutunan ang mga patakaran sa kalsada o road rules.

Pagkatapos ay maaari kang mag-aply upang kumuha ng pagsusulit upang makakuha ng learner’s driving license na tinatawag na ‘L.’

Ang L na lisensya ay nagbibigay ng pahintulot sa isang tao para magsanay ng pagmamaneho habang pinangangasiwaan ng isang tao na may full Australian driver’s license.

“In NSW kapag 16 taong gulang maaari ng kumuha ng learner license. Kailangan mo ding makapasa sa eyesight at knowledge test. You also need to pass an eyesight test and a knowledge test. Ang knowledge test ay tungkol sa patakaran sa kalsada para sa kaligtasan kung nasa daan na ," dagdag ni Whitton.

Road Safety
Ang mga driving instructor ay eksperto sa pagtuturo ng driving na turuan ang mga learner drivers sa stress-free environment, ayon kay Frank Tumino mula L Trent's driving instructor. Source: Getty / Getty Images

Habang nasa L o learner, dapat siguraduhing:

  • Kinakailangang may katabing full Australian license habang nasa sasakyan ka nagsasanay ng pagmamaneho
  • Kinakailangang naka-display ang ‘L’ plate sa labas ng iyong sasakyan
  • Bawal uminum ng alak o gumamit ng droga bago magmaneho
  • Dapat kang sumunod sa speed limits
  • Bawal gumamit ng telepono o mobile phone habang nagmamaneho

Bago makakuha ng Provisional o Probationary License

Ang mga may hawak ng Learner drivers license o L ay dapat manatili sa ganitong lisensya ng specific na panahon, depende sa kanilang edad.

Bago naman sila makapagmaneho ng mag-isa ay dapat ipasa nilang ang practical driving test para makakuha ng ‘Provisional’ o ‘Probationary’ license o mas kilalang ‘P’.

Inirerekomenda ni Frank Tumino na isang Master Driving Trainer sa L Trent, ito ang pinakamalaking driving school sa Australia, dapat kumunsulta sa mga propesyonal na nagtuturo ng driving o kaya sa pamilya at kaibigan para maipasa ang learner drivers test.

“Maaari kang kumuha ng driving lessons mula sa mga professional trainer at mahalagang turuan ka tamang driving techniques sa Australia at ang tinatawag na solid foundation ng driving sa Australia."

Driver lience,Indian driver
Tinitiyak ng Australian graduated licensing scheme na dahan-dahang nabubuo ng mga baguhan na driver ang kanilang mga kasanayan sa pagmamaneho at kaligtasan sa kalsada bago sila ganap na lisensyado. Source: Getty

Pag-convert ng lisensya ng mga migrants

Dapat i-convert ng mga migrante ang kanilang lisensya mula sa ibang bansa sa isang Australian drivers license para legal na makapagmaneho.

Pero paalala ni Louise Higgins Whitton na ang proseso ay naiba depende sa mga listahan ng mga kadahilanan.

“Ang proseso na iyong pagdadaanan ay depende sa kung saang bansa ka nanggaling kung saan dun inisyu ang iyong lisensya, ilang taon ka ng may lisensya ,paano ka nakakuha nito at anong proseso ang pinagdaanan."

Kung nagmula ka sa isang bansa kung saan ibang-iba ang sistema ng paglilisensya, kakailanganing sumailalim ng mga karagdagang pagsubok at maaaring mag-iba ang mga tests na iyon depende sa kung saang bansa ka nanggaling at kung saang uri ng lisensya ka lilipat.
Louise Higgins Whitton, NSW Transport 
Sa ilang mga kaso, kung may drivers license ka mula sa ibang bansa, karaniwang kailangan mong ipasa sa unang test ang practical driving test dahil kung hindi babalik ka sa L license.

Paunawa ni Tumino dapat ang mga taong natutong magmaneho sa ibang bansa ay sasailalim sa espesyal na pagtuturo upang maipasa ang pagsusulit sa unang pagkakataon.

“Para sa mga migrants kailanga turuan sila sa mga road rules at kung kailangan basagin ang mga maling kaugalian sa driving na kanilang nakasanayan mula sa ibang bansa para maipasa ang practical tests.”
Enjoying travel. - Stock image
Ang mga migrante mula sa mga bansang may katulad na sistema ng paglilisensya sa Australia ay madaling ma-convert ang kanilang mga permit sa pagmamaneho. Ang mga may hawak ay maaaring kailangang sumailalim sa karagdagang pagsusuri o tests. Credit: Deepak Sethi/Getty Images

Habang ang lisensya mo ay P, bawal kang uminom ng alak bago magdrive, at sumunod sa itinalagang speed restrictions.

Bago makakuha ng full Australian license, kailangan mong ipasa ang hazards perception test para mapatunayan na alam mo ang potensyal na panganib sa kalsada.

Bagama't niluwagan ang ilang restriksyon kapag fully licensed na ang isang nagmamaneho, kailangan pa din na sumunod sa patakaran sa daan.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng malaki at maaari ding isuspende o kanselahin ang lisensya.

“Mahigpit na ipinapatupad ang batas trapiko dito sa bansa. May mga mabibigat na parusa para sa mabilis na pagmamaneho, para sa pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak at iligal na droga," babala ni Tumino.

NSW Police
Ang mga pulis sa Australia ay nagsasagawa ng madalas na check point sa gilid ng daan upang matiyak na ang mga driver ay hindi lasing. Naghihintay ang mabigat na multa para sa mga lumalabag sa batas trapiko ng bansa. Credit: wikimedia commons

Espesyal na driving programs para sa mga refugees at migrants

Samantala, may ilang mga organisasyon sa komunidad ang nag-aalok ng mga serbisyo sa buong Australia sa libre o low-cost driving programs na sadyang idinesenyo para sa mga refugee at migrants.

Ayon kay Emmanuel Musoni ang Executive Manager ng Great Lakes Agency for Peace and Development, o GLAPD, itoy isang organisasyon na nagbibigay ng support program para sa mga taong nagsasanay ng pagmamaneho ng sasakyan mula sa mga culturally at linguistically diverse na komunidad.

Dagdag ni Musoni inulunsad nila ang GLAPD na programa matapos matukoy na maraming mga bagong salta at single mum ang laging umaasa sa iba, na ipagmaneho sila.

Kaya ang organisasyon ay nakipagtulungan sa mga driving instructor mula sa mga komunidad para sa mas maaayos na solusyon sa hamong ito.

“Ang ilan ay talagang hindi marunong humawak ng manibela. Kaya ang mga driver na ang natuturo sa kanila para makakuha ng lisensya."
Side View Portrait Of Cheerful Young Woman Sitting In Car
Kapag fully licensed na ang driver, nagbibigay ito ng independence at nagbubukas ng maraming oportunidad na trabaho sa kanila. Credit: Narong Jongsirikul / EyeEm/Getty Images/EyeEm
Ang inang si Micheline Nyantabara ay isa sa mga bagong nakabenepisyo sa programa.

Kwento nito hindi siya nakapagmaneho ng sasakyan sa kanilang bansa sa Congo, kaya natural lang na natatakot siya na kapag hawak nito ang manibela.

Nakapagdesisyon ito na dapat matuto sya ng pagmamaneho dahil nauubos ang kanyang oras sa pagsakay ng pampublikong sasakyan lalo na kapag may mga importante itong lakad.

At pahirapan din umano ang magdala ng prams lalo't may anak ito sa loob ng bus.

Dagdag nito bagama't kumuha siya noon ng professional driving lessons at tinuturuan din ng mga kaibigaan, hind iniya naipasa ang practical driving test sa pangalawang pagkakataon na, hanggang sa kumuha siya ng driving lessons a GLAPD.

Kwento nito malaking tulong sa kanyang pagpasa para makuha ang lisensya ang pareho sila ng kultura at pinagmulan ng kanyang driving instructor, para mabuo ang kompyansa sa sarili.

“Dahil mas naintidihan ko ang kanyang mga sinasabi at isa pa mahaba na ang kanyang karanasan sa pagmamaneho."

At nang makuha na ni Nyatabara ang kanyang lisensya sabi nito binato nito ang takbo ng kanilang buhay kasama ang anak na lalaki.
Ngayong nakakapunta na kami kahit saan namin gusto lalo't may sarili na akong sasakyan, pero noon napakahirap umalis ng bahay. Ngayong mas madali na lang kung pumunta sa trabaho at higit sa lahat mas madali kong naipapasyal ang anak ko. Masasabi ko mas madali ang buhay ko ngayon kasama ang aking anak.
Kaya hinihikayat ni Nyatabara ang mga kababaihan na harapin ang takot sa pagmamaneho dahil mas malaki ang maidudulot nito na maganda sa pang-araw araw na buhay.

“Sa totoo lang nakakatakot sa una pero kapag napagtagumpayan mo ito at nakuha mo na ang iyong lisensya, hindi mo na maaalala ang hirap na pinagadaanan dahil nabago na ang iyong buhay."

Paano makakuha ng lisensya:


Share