Key Points
- Ang rip currents o malakas na agos ng tubig ang pinakamapanganib sa mga beaches ng Australia
- Ang pinakaligtas na lugar upang lumangoy ay sa isang patrolled beach sa pagitan ng pula at dilaw na mga bandila
- Ang Australia ay gumagamit ng pinakamabisang shark mitigation strategies sa buong mundo
- Maraming maaaring gamitin na kagamitan para manatiling ‘shark smart’
Sa nakaraang taon, umabot sa 10,000 katao ang nailigtas ng Surf Life Saving Australia (SLSA), karamihan sa kanila ay nalunod dahil sa malakas na agos ng tubig o rip currents.
“ Ang rip currents o malakas na agos ng tubig ang numero unong dahilan ng pagkalunod at pagkamatay ng mga taong nasa beaches ng Australia," ayon kay Shane Daw, General Manager ng Coastal Safety sa SLSA.
Sa nakaraang taon, 141 ang nalunod at namatay sa dagat , at tinatayang nasa 36 ang dahil sa natangay ng malakas na agos ng tubig o rip currents.Shane Daw, General Manager sa Coastal Safety ng SLSA.

Ang Bondi Beach sa Sydney Australia. Dahil sa taglay na ganda at linaw ng tubig, paborito itong pipuntahan ng mga swimmers at surfers lalo na tuwing summer. Source: Moment RF / Brendan Maher/Getty Images
Bakit mapanganib ang rips?
Ang Rips ay ang malakas na galaw ng tubig, na gumagawalaw sa magkaibang direksyon, papuntang beach o palayo sa dalampasigan. Babala nga eksperto mahirap itong matukoy kung ang lokasyon ay isang rips.
Kapag nakikita mong walang malaking alon, huwag maging kampante na ligtas itong languyan dahil baka ito ay isang rip.
“ May kasabihan kami,” sabi ni Daw “ Magandang pagmasdan ang puti-puting kulay sa ibabaw ng tubig dahil nakikita ang naglalakihang alon subalit maging maingat sa tanawin a berde ang kulay dahil ibig sabihin nito ay malalim at malakas ang galaw ng tubig at sa ibang direksyon."
Kapag natangay ng malakas agos ng tubig habang lumalangoy, ito ang dapat gawin:
- Manatiling kalmado para hindi ka mawalan ng lakas.
- Itaas ang iyong kamay o braso para humingi ng saklolo.
- Matutong magpalutang-lutang ayon sa agos ng tubig.
- Lumangoy palayo sa lokasyon kung alam mo na ligtas itong gawin.
Subalit, pinakamabisang gawin lumangyon sa ligtas na lugar.
Lumangoy sa pagitan ng pula at dilaw na bandila
Sa kasamaang palad, 76 porsysento ang nalunod at namatay sa nakaraang taon at ang mga biktima isang kilometro lang mula sa kinalalagyan ng mga lifesaving service.
Kaya kapag gustong lumangoy, manatili at gawin lamang sa may nagpapatrolyang lifesavers o lifeguards at gawin ito sa pagitan laman ng pula at dilaw na bandila.

Untuk keselamatan Anda, dianjurkan untuk berenang di antara rambu-rambu peringatan keamanan di pantai Credit: Lee Hulsman/Getty Images
Maaaring mahanap ang mga beaches na binabantayan ng mga lifesavers o lifeguard sa . Makikita mo rin ang mga safety tips na nakasalin sa 100 wika o salita.
May katotohanan ba ang banta ng pating sa mga beaches?
Ang pag-atake ng pating ay hindi pangkaraniwan at kalat-kalat na mga kaganapan.
Bagama't naitala na ang Australia ang may pangalawang pinakamataas na bilang ng mga nakagat ng pating o shark attack sa mundo pagkatapos ng United States, na may average na 22 attacks sa isang taon sa nakalipas na dekada.
Ayon kay Dr Phoebe Meagher, ang Wildlife Conservation Officer ng Taronga Conservation Society simula pa noon 1800 may naitala ang shark interactions, batay sa datos ng Australian Shark Incident Database .
"Maswerte pa din tayo dahil sa mga shark attack nasa average na isang katao ang namamatay, dagdag ni Dr Meagher.

Fin cutting ocean surface with surfers in background at sunrise Source: iStockphoto / Philip Thurston/Getty Images/iStockphoto
Hindi naman talaga nakikita ng mga pating na espesyal na pagkain ang mga tao pati na ang mga nagpapakain sa kanila.Dr Phoebe Meagher, Wildlife Conservation Officer ng Taronga Conservation Society
“Hindi ako naniniwala na may cognitive ability ang mga sharks para makapagsabi sa anong klaseng hayop ang nasa harap nila," sabi ni Dr Meagher. “Sa ng mga pating wala silang pinipili, tao, seal o turle kapag gutom sila kinakain nila."
Subalit, dapat tandaan sa 400 shark species ilan lang ang mapanganib sa mga tao.
Ang tatlong uri ng sharks na talagang mapanganib at nakikita sa estado ng New South Wales, Western Australia at Queensland: ang white shark, tiger shark at bull shark. At dapat tandaan ang mga shark na ito ay mahirap mahulaan at kapag umaatake kadalasan humahantong sa pagkamatay.
“Ang mga pating ay para lang din mga kabataan," sabi ni Marcel Green, Leader ng Shark Programs kasama ang NSW Department of Primary Industries.
“Silang lahat ay may iba't-ibang katangian.Subalit may masasabi tayong common nilang katangian."
Ang tigers and bull sharks ay aktibo sa dapit-hapon at madaling araw, kaya malaking peligro kapag lumangoy sa dagat sa ganitong mga panahon.
Samantala, ang ibang uri ng species ng pating ay umaatake kapag nagalit o nasaktan. Tulad na lang ng 'wobbegong' na nangangagat kapag naapakan mo sa seabed, subalit ang katotohanan hindi naman talaga sila mapanganib.

GOSFORD, AUSTRALIA - NOVEMBER 13: Ang North Avoca Beach ay isinara matapos inatake ng pating ang isang surfer noong ika-13 ng Nobyembre, 2017 sa may Gosford, Australia. (Photo by Tony Feder/Getty Images) Credit: Tony Feder/Getty Images
Manatiling shark smart
Ang Australia ay may pinakamalakas na programa sa buong mundo para mabawasan ang insidente ng pagkamatay, lalo na ang bigyan ng proteksyon ang mga beachgoers laban sa shark attack.
Ang karamihan sa mga beaches ay may enclosures o may bakud , kung saan may mga nakabantay na drones at helicopters na nagbibigay ng aerial surveillance. At kung may shark sightings sa lugar , pinapatunog ang siren para bigyang babala ang publiko na umalis agad sa tubig.
May shark tagging programs din para ma-transmit ang tamang lokasyon ng mga pating sa pamamagitang ng SharkSmart App sa iksaktong oras.
Ang mga state-based SharkSmart apps ay nagbibigay ng shark alerts, sa mga pinapatrolyahang beaches at may mga safety advice din na ipinapasa sa mga mobile phones at smart watches.
Bukod pa dito, talagang hinihikayat ang mga surfers na magsuot ang shark deterrent devices.
Pahabol na safety tip ni Shane Daw sa lahat, ang pinakaligtas na gawin kapag gusto talagang magtampisaw sa dagat ngayong tag-init sa Australia, huwag lumangoy ng mag-isa o dapat may kasama ka kapag nasa tubig at dapat nasa loob kayo ng patrolled beach.
Maaaring magamit ang SharkSmart resources online sa mga estado ng NSW, WA at Queensland, kasama pa dito ang mga kahalintulad na education campaigns sa ibang estado:

Ang isang myembro ng Surf Life Savers ang nakiisa sa Search and Rescue operation sa Port Beach ng North Fremantle, Western Australia, araw ng Sabado ika-6 ng Nobyembre 2021. Pansamantalang isinara ang beach dahil sa hinalang shark attack matapos ang pagkawala ang isang tao sa Perth. (AAP Image/Richard Wainwright) NO ARCHIVING Source: AAP / RICHARD WAINWRIGHT/AAPIMAGE
Dadalhin ng mga pating ang mga isda sa ibabaw ng tubig kung saan sila nagtitipon at umaakit ng mga ibon.
“Ang mga maliliit na isda ay nang-aakit ng malalaking isda at ang malalaking isda ay nang-aakit ng pating,” ayon kay Marcel Green.
Hinihikayat din ang mg surfers na magsuot ng personal shark deterrent devices, tulad ng estado ng Western Australia na may subsidy dito.
READ MORE

#1 Inviting friends | Beach safety