Paano matutulungan ang sarili at ang iyong partner laban sa baby blues o postnatal depression?

Australia Explained - Postnatal Depression

Postnatal depression? How to help yourself and your partner Credit: PonyWang/Getty Images

Ikaw ba ay nagdadalang-tao o bagong panganak? Maaaring maranasan mo o ng iyong partner ang tinatawag na 'baby blues' kapag ipinanganak na ang iyong sanggol. Ngunit ang mga hindi kanais-nais na sintomas ay banayad at pansamantala. Iba ang postnatal depression at maaaring makaapekto sa parehong magulang. Ang pag-alam ng pagkakaiba at kung paano makakuha ng suporta para sa iyong sarili o sa iyong partner ay mahalaga para sa kapakanan ng iyong pamilya.


Key Points
  • Ang postnatal depression ay tumatagal nang mas mahaba kaysa sa 'baby blues' at may mas matinding mga sintomas. Hanggang 1 sa 5 bagong ina at 1 sa 10 bagong ama ang apektado ng postnatal depression. Ang paggamot ay maaaring kabilangan ng psychological therapy o pag-inom ng antidepressant na gamot, at ang isang suportadong kapaligiran ay makakatulong sa mga bagong magulang na makuha ang tulong na kailangan nila upang makabawi.
  • Hanggang 1 sa 5 bagong ina at 1 sa 10 bagong ama ang apektado ng postnatal depression.
  • Kasama sa medical treatment ay ang psychological therapy o pag-inom ng antidepressant na gamot, at ang supportive environment ay makakatulong sa mga bagong magulang na makuha ang tulong na kailangan nila upang makabawi.
Ayon sa isang Filipino-Australian dialysis nurse na si Renah Flote ang realidad ng pagiging ina ay minsan malayo sa perpektong mga imahe na inakala ng ilang kababaihan.

Bilang first-time mum matapos kumonsulta sa GP, ginamit ang kanyang pagiging artist at creative imaginations or expressions upang malampasan ang postnatal depression.

Sa datos tinatayang apat sa bawat limang bagong ina ang nakakaranas ng 'baby blues' sa unang mga araw pagkatapos ng panganganak.

Ito ay mga hindi kanais-nais na pakiramdam, karaniwang dulot ng pagbabago ng hormones at kinabibilangan ng pagkabalisa, pagiging iyakin, at hirap sa pagtulog. Karaniwan itong nawawala ng mabilis nang hindi nangangailangan ng medical treatment.

Subalit kapag ang mga sintomas ay nagpapatuloy o humahadlang sa kakayahan ng magulang na gampanan nang normal ang mga tungkulin para sa sarili at sa kanilang bagong silang na sanggol, maaaring nakakaranas na sila ng postnatal depression.

“Maaaring maganap ang depresyon sa panahon ng pagbubuntis, na tinatawag na antenatal period, o postnatal, pagkatapos ng panganganak ng sanggol,” sabi ni Julie Borninkhof, isang clinical psychologist at CEO ng .

Ang mga sintomas ay maaaring kinabibilangan ng pagkasira ng mood, kawalan ng kakayahan na magbigay-pansin sa impormasyon, at social isolation.

Karaniwan din ang mga pagkagambala sa pagtulog, ayon kay Borninkhof.

“Maaaring sobra ang pagtulog o kulang sa tulog, hindi kumakain at uminom ng normal, ang lahat ng ito ay ang inaasahang sintomas ng depresyon sa kahit anong punto ng buhay ng isang tao.”I
Australia Explained - Postnatal Depression
People who have experienced depression before are more likely to develop perinatal depression, Ms Borninkhof explains. Presenting with both anxiety and depression together is also common. Credit: SDI Productions/Getty Images
Dagdag nito isa pang panganib sa perinatal depression ay kung may history ang pamilya ng depresyon.

"Alam natin na ang mga taong may kasaysayan ng depresyon sa kanilang pamilya ay maaaring may mas mataas na panganib. At ang mga taong nakaranas ng matinding trauma sa kanilang buhay ay malamang na makaranas din ng depresyon o pagkabalisa sa panahong ito."

Ang bawat pagbubuntis ay natatangi, at gayundin, bawat kaso ng perinatal depression ay iba-iba.
Australia Explained - Postnatal Depression
Regardless of ethnicity or culture, reaching out for help during perinatal depression can be hard for some people. Credit: FatCamera/Getty Images
Ayon naman sa Executive Director of Service Delivery ng , na si Jakqui Barnfield, karaniwang maling akala ng marami babae lang ang nakakaranas ng perinatal depression pati din ang mga lalaki kaya sa kanilang organisasyon na isang crisis support service nagbibigay sila ng counselling pati sa mga kalalakihan sa pamamagitan ng .
Australia Explained - Postnatal Depression
“Everyone's experience is different. And it doesn't matter whether you're a father or a mother. Perinatal depression impacts both,” says Dr Barnfield. Source: Moment RF / Vera Vita/Getty Images
Tinatayang isa sa 10 ama ang ang isa sa limang ina ang pinaniniwalaang nakakaranasa ng perinatal depression.

Paliwanag pa ni Dr Barnfield pareho ang triggering factor sa mga kaso ng depresyon .

"Ang pagbabago ang talagang may malaking epekto. At marami dito personal expectations at ang expectation ng iba, pati na kung ano ang laman ng social media."

"Kung ikukumpara mo ang iyong sarili sa kung ano ang expectation sa perfect family a o perfect father, siguradong dadagdag ito sa pressure na kailangan kumilos sa ganoong paraan."

Sabi ni Dr. Barnfield, ang pag-check sa iyong partner kung paano nila hinaharap ang sitwasyon ay nakakatulong din upang mas madali mong maipahayag ang iyong nararamdaman bilang bagong magulang.

"At kahit hindi mo alam kung ano ang gagawin, ipaalam sa kanya na talagang nalilito ka o natatakot kang may nagagawa kang mali, pag-usapan ninyo ito. Iyon ang susi."

"Ang mga kalalakihan ay madalas pinalalaki sa paraang kailangan nilang maging malakas at hindi kinakailangang i-express ang sariling nararamdaman na kaya nilang gawin ang mga bagay."

"Sa kabila ng perinatal depression, maaaring nararamdaman pa rin ng mga kalalakihan ang mga bagay na ito. Maaaring nakakaramdam sila ng pag-iisa, kalungkutan, ngunit hindi nila ito pinag-uusapan."

Ang postnatal depression ay nagagamot. Susuriin ng iyong doktor ang iyong mga pangangailangan at magrerekomenda ng angkop na paggamot para sa iyo.
Australia Explained - Postnatal Depression
silhouette asian new parents couple are having conflict and argument nearby windows at home while woman holding their baby Credit: PonyWang/Getty Images
Para sa kinakailangang tulong:
  • Para sa tulong nilang may perinatal anxiety at depression, tumawag sa PANDA (Perinatal Anxiety & Depression Australia) sa 1300 726 306 o bumisita sa   para sa resources na isinalin sa 40 wika. 
  • Para sa libreng impormasyon at free individual psychological counselling sessions (sa loob ng 10 sessions) para sa mga buntis at bagong magulang, face-to-face session sa buong NSW, QLD and VIC, o telehealth sessions, bisitahin ang . 
  • Para sa LGBTIQ+ support with mental health, contact QLife sa 1800 184 527 o bisitahin ang  . 
  • Para sa 24/7 crisis support, tumawag sa   13 11 14. 
  • Para sa telephone at online counselling services para sa mga kalalakihan o ama, tumawag sa sa 1300 78 99 78 o bisitahin ang

Share