Pharmacy, Chemist, PBS: Alamin ang mga termino at sistema ng botika sa Australia

Pharmacist with customer

Pharmacists dispense prescription medicine. Source: Getty / Tom Werner/Getty Images

Sa Australia, ang mga pharmacist ay nagbibiyay ng mga gamot na may reseta at nagbibigay ng payo tungkol sa kalusugan. Tinuturuan din nila ang komunidad tungkol sa tamang paggamit ng mga gamot at kung paano makakaiwas sa mga sakit.


Key Points
  • Kapag nakatanggap ka ng reseta ng gamot mula sa doktor, kailangan mong pumunta sa botika para makuha ang iyong gamot.
  • Ang mga pharmacist ay nagbibigay din ng ilang serbisyong pangkalusugan, tulad ng pag-check ng presyon ng dugo, at kung minsan ay nagbibigay rin sila ng bakuna.
  • Ang Pharmaceutical Benefit Scheme (PBS) ng Australia ay isang programa na tumutulong para maging abot-kaya ang mga gamot. Para makuha ang benepisyong ito, kailangang residente ka ng Australia at may Medicare Card.
Kapag may sakit ka at nagreseta ang doktor ng gamot, ang susunod mong gagawin ay pumunta sa pinakamalapit na pharmacy o botika para makuha ang iyong gamot.

Ang mg local pharmacist sa inyong lugar ay maaaring magbigay ng mga gamot na may reseta at maging source ng payo tungkol sa kalusugan, pati na rin ng iba pang mga produktong pangkalusugan at serbisyo. Mahalaga na maunawaan kung paano gumagana ang sistema ng botika sa Australia para alam mo ang aasahan kapag pupunta ka sa botika.

Tandaan ang sistema ng botika:

Ang mga lisensyadong doktor lang ang nagbibigay ng reseta, at dadalhin sa mga botika.

Ang reseta'y maaaring computer generated o hand-written.
e-script accessible via mobile phone
E-scripts are accessible on your phone Credit: Yong Hwee Goh
Sa Australia, lahat ng reseta ng gamot ay nagpapakita ng pangalan ng aktibong sangkap ng gamot. Ibig sabihin, bilang pasyente, makikilala mo ang mismong gamot, hindi lang ang brand name nito.

Ang mga pharmacist ay parehong may stock ng mga gamot na branded o may brand-name at ang murang generic ng mga ibinebentang gamot na may parehong active ingredients. Ito ay parehong aprobado ng government regulator.

Ang mga reseta ay may nakasulat ng pangalan ng pasyente, address, date of birth o medicare status.

Sinisiguro din ng pharmacist na tama ang gamot at dosage ng gamot ang iinumin ng pasyente.
Sa Australia ang lahat ng gamot ay itinuturing na lason, at ang bawat gamot ay naka-categorise sa isang schedule batay sa kung gaano ito kaligtas para sa pasyente.

Unscheduled medications - ay ang mga gamot na nabibili sa supermarkets, convenience stores at petrol stations o gasolinahan.

Pharmacy Medicines - kilala din na Schedule 2, ito ay mga gamot na limitado ang bentahan sa mga botika, pero hindi kailangan ng reseta. Sa karamihan ng mga estado, maliban sa Western Australia, maaari itong piliin ng mga tao nang mag-isa pero kailangan pa rin ng gabay ng isang pharmacist.

Pharmacist-Only Medicines - Schedule 3, ay hindi nangangailangan ng reseta pero maaari lang mabili sa ilalim ng payo at pangangasiwa ng isang pharmacist. Ito ay dahil maaaring magdulot ito ng mas mataas na panganib ng mga side effects at posibleng maling paggamit.
Pharmacist.png
Pharmacist Lena Mansour - Image supplied. Pharmacist Tom Andrew – Image supplied. Pharmacist Yong Hwee Goh - Image supplied.
Prescription medicines - kilala din na Schedule 4, ay mga gamot na nangangailangan ng reseta bago ibigay at bilhin sa botika.

Pharmaceutical Benefit Scheme o PBS - isang subsidiya na layuning magbigay ng abot-kayang access sa iba't ibang gamot. Para makuha ang subsidiya, kailangang residente ng Australia ang pasyente at may Medicare Card.
Pharmacists offer healthcare services and products
Pharmacists offer a large range of healthcare services and products. Credit: Yong Hwee Goh
Reciprocal Health care agreement- May kasunduan ang Australia sa ilang ibang bansa tungkol sa reciprocal health care, kaya kahit walang Medicare card ang pasyente, maaari pa rin nilang mabili ang kanilang gamot sa presyong may subsidiya ng PBS.

Hindi lahat ng gamot sa Australia ay sakop ng PBS.

Ang mga pharmacist ay nagbibigay din ng iba't ibang serbisyo sa kalusugan.
  • Pharmacist ang unang point of contact ng mga pasyente sa komunidad at nakakatulong sa diagnose at paggamot ng maraming kondisyon tulad ng sipon, allergies, sakit ng ulo, eczema, dermatitis, acne, impeksyon sa urinary tract at fungal infections at etc.
  • Gumawa sila ng Home Medicines review base sa referral mula sa doktor, para matukoy ang anumang problema sa gamot ng pasyente.
  • Ang mga pharmacist ay maaari ring magbigay ng mga piling health screenings tulad ng pag-monitor ng blood glucose at blood pressure, pagsusuri ng anemia, at diabetes screening.
  • Maaari ring magbigay ng mga bakuna tulad ng para sa Covid-19 at influenza at magbigay ng ilang mga gamot na reseta lamang, tulad ng oral contraceptive pill, nang hindi na kailangan pang pumunta sa doktor.
  • Pharmacy
    Inside a compounding pharmacy Credit: Tom Andrew
  • Ang specialist pharmacies ay may kakayahang maghanda ng gamot para sa pasyente.

Hanapin ang inyong local pharmacy o botika bisitahin ang

Mag-subcribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

May tanong ka ba o ideya sa mag-email sa [email protected]

Share