Paano nga ba pumili ng tamang car seat para mas ligtas ang iyong anak?

How to maximise safety when using child car seats

How to maximise safety when using child car seats Credit: Drazen_/Getty Images

Nais ng mga magulang at mga carers na tiyakin na ligtas ang kanilang mga anak kapag nasa loob ng sasakyan. Sa episode na ito, ating tatalakayin ang ilang mga legal na kinakailangan at mga pinakamahusay na paraan upang tiyakin na may pinakamataas na tsansa ang mga bata na mabuhay kung may aksidente.


Key Points
  • Ang paglalagay ng child car seat sa sasakyan ay dapat sumunod sa Australian standard.
  • Ang mga batas tungkol sa child car seat ng mga bata sa taxi, rideshare, at hire vehicles ay nag-iiba-iba depende sa estado at teritoryo.
  • Siguruhing suriin ang Five Step Test bago ilipat ang bata sa adult seat belt.
Kilala ang bansang Australia na isa sa pinakamataas na mga rate ng paggamit ng child car seat sa buong mundo, subalit maraming bata pa rin ang bumabyahe na hindi lubos na ligtas dahil mali ang pagkakabit at hindi fit ang gamit na car seat at ito ang naging dahilan ng maraming pinsala na dahilan ng pagkamatay ng mga bata.

Ang paggamit ng seat belt o car restraint ay maaaring magligtas ng buhay, ngunit ang isang bata ay dapat nasa tamang upuan upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Madalas na nalilito ang mga pamilya kung kailan dapat lumipat mula sa isang child restraint patungo sa isa pa o kailan dapat tuluyang tanggalin ang child seat.

Sinabi ni Associate Professor Warwick Teague, direktor of trauma services sa Royal Children’s Hospital sa Melbourne, na ang mga magulang ay nalilito sa pagitan ng best practice at kung ano ang itinakda ng batas o legal.
Warwick Teague.jpg
Associate Professor Warwick Teague Credit: The Royal Children's Hospital Melbourne
Dagdag nito batay sa , inaatasan na lahat ng mga bata ay maayos na nakakabit sa tamang child car seat na angkop sa kanilang edad/tangkad, subalit ayon kay Professor Teague ang pinakamahusay na paraan ay tingnan ang "fit" o iksakto ang sukat ng car seat para sa bata.

Marie Tadeo-Lovett and family.jpg
[Left-most] According to Marie Tadeo-Lovett, as a parent, she is cautious when driving, especially when her two children are on board. Because the safety of the children is a priority, they use Australian-standard-compliant car seats and ensure that they are properly fastened while traveling. Credit: Marie Tadeo-Lovett

Kaya naman ang nurse na si Marie Tadeo Lovett at asawa nitong si Terry, para iwas disgrasya prioridad nila ang kaligtasan ng dalawa nitong anak na lalaki, isang dalawang taong gulang at isang infant.

"I'm very cautious when I'm driving, vigilant at defensive driver, especially there are aggressive drivers everywhere.

When I got pregnant I researched information on what kind of car seat to use and I listened to my friend's advice who are mothers too," kwento ng inang si Marie.

Mga dapat tandaan sa tamang child car seat para ligtas ang mga bata:

  • Suriin at isaalang-alang ang edad at tangkad ng mga bata sa pagpili ng child car seat.
  • Bumili ng child car seat na Australian standard-compliant at tingnan ang shoulder markers para sa pagpili ng tamang sukat para sa bata.
  • Hangga’t hindi pa lalampas ang bata sa mga marker na ito, mahalaga na manatili sila sa car seat na kanilang ginamit kahit higit sa anim na buwan na ito.
  • Ang isang bata o sanggol ay dapat panatilihin na nasa rearward-facing o nakaharap sa likod ang car seat hanggang kasya ang bata sa kanyang ginagamit na car seat, para sa
    mas ligtas na pagbyahe.
  • Manatili naman sa car seat o booster seat ang mga bata hanggang kasya pa ito sa ginagamit na child car seat.
  • Gumamit ng mga car seat na aprubado at ikinabit ng isang propesyonal.
  • Paalala sa mga magulang at carers dapat sumunod sa manufacturers instruction o sa professional fitting services upang ma-maximise ang kaligtasan ng mga batang pasahero.
  • Responsibilidad ng mga magulang at carer para regular na i-check ang car seat ng mga bata kung ito ay tamang nakakabit bago at habang nakabyahe para sa kaligtasan ng mga bata.
car seat law.png
National child restraint laws Credit: ChildCarSeats

Bago lilipat sa adult seat belt, dapat makapasa sa Five-Step Test:

  1. Naka-angkla o nakalapat ba ang iyong likod sa upuan ng sasakyan?
  2. Ang iyong mga tuhod ba ay nakadikit sa gilid ng upuan?
  3. Nasa baba ba ng iyong hips at humahawak sa iyong mga hita ang lap belt?
  4. Nasa gitna ba ng iyong balikat ang sash belt?
  5. Kaya mo bang manatili sa ganitong posisyon kahit sa long distance na byahe?

Narito naman ang listahan ng car seats na aprubado at complaint sa Australian standard, .

Taxis at rideshares

Kapag gumagamit ng mga taxi, for hire, at rideshare services, maaaring magkaiba ang batas sa child car restraint sa iba't ibang estado at teritoryo sa Australia. Kaya't mas mabuti na magtanong sa mga kinauukulan upang maunawaan ang mga tiyak na regulasyon na naaangkop sa iyong lokasyon.

Maari din na makipag-ugnayan sa mga service provider kung may car seat o wala ang sasakyan sa inyong estado at teritoryo.

Father buckling son in car seat
The obligation is on adults to keep children safe in cars. Credit: MoMo Productions/Getty Images
Ang Early Learning Association Australia ay gumawa ng mga resources at isinalin sa higit 20 wika


Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang transport authority ng inyong estado o teritoryo sa ibaba:


Share