Paano proteksyonan ang iyong retirement fund, hanapin ang super at ano ang gagawin kapag lumipat overseas

Saving coins

Ang pagkakaroon ng online account sa iyong superannuation fund ay makakatulong para makita kontribusyon ng iyong employer. Credit: urbancow/Getty Images Credit: urbancow/Getty Images

Ang superannuation ay kumplikado. Alam mo ba na ang iyong ipon ay hindi nawawala kahit hindi aktibo ang iyong super account? Ngunit ano ang proseso ng pagbawi? At ano ang mangyayari sa super kung lilipat sa ibang bansa o kapag namatay?


Key Points
  • Importante na i-update ang iyong detalye sa super fund at ATO, para maiwasan ang pagkawala ng iyong super.
  • Ang early super access ay pinapahintulutan sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari para sa mga citizens at permanent residents.
  • Ang iringan ng magpamilya sa pamamahagi ng superannuation saving fund ng namatay ay pinangangasiwaan ng isang independent body na organisasyon.
Ang superannuation o mas kilalang ‘super,’ ay bahagi ng iyong kita o income na itinabi mo para sa panahon nang iyong pagreretiro sa trabaho.

Obligado ang mga employer na magbabayad ng porsyento sa iyong buong kita sa iyong super account habang ikaw ay nanunungkulan pa o nagtatrabaho. At ang super fund na ito ay magagamit hanggang sa iyong pagretiro.

Dito sa Australia, may mga hakbang na ipinapatupad para masigurong hindi mawala ang superannuation savings kahit hindi na aktibo ang account.

Kung nabago ang contact details at hindi makontak ng provider, kinakailangan nilang ilipat ang hindi na-claim na super fund sa Australian Taxation Office o ATO.

Pagsama-sama ng iyong super

Kapag hawak na ng ATO ang unclaimed na super, ang ahensya ay gumawa ng mga hakbang upang maibigay ang pera sa totoong may-ari nito.

Kung sa tingin mo ay nawala ang iyong super, pinakamabisang gawin ay hanapin ito sa pamamagitan ng ATO online services.

Importante din na i-updated ang iyong contact details.

young asian couple using laptop to pay bill at home
Walang deadline para sa pagbawi ng hindi na-claim na super, ngunit habang tumatagal ito ay hawak ng ATO, mas matagal kang nawawalan ng mga investment return. Credit: rudi_suardi/Getty Images
“Ang magagawa ng may ari ng super ay  makipag-ugnayan sa mga nakaraang pondo na sa tingin nila ay may hawak silang mga account at tiyaking updated ang mga detalye kasama ang bank account sa mga online na serbisyo ng ATO,” sabi ni Rosenzweig.

Sinasabi ni Xavier O’Halloran ang Director ng Super Consumers Australia, isang independent superannuation consumer advocacy na organisasyon.

Sabi nito pangkaraniwan ang pagkakaroon ng marami o multiple superannuation accounts..
Portrait of four factory staff smiling towards camera
Kapag sumali sa isang bagong employer, maaari nilang i-set up nang awtomatiko ang iyong super account gamit ang isang fund kung hindi mo inominate ang sa iyo. Credit: JohnnyGreig/Getty Images
Ang pag-consolidate o pagsasama-sama nito sa iisang account ay ang pinakamabuting gawin.

Tinatayang aabot sa $50,000 ang mababawas sa retirement saving kapag may marami o multiple accounts.
Xavier O’Halloran, Director of Super Consumers Australia
Ang pinakarason bakit ganun kalaki ang nababawas ay dahil sa marami ang binabayarang insurance cover, sabi ni O'Halloran.

“May mga fixed na babayarin sa accounts na ito. At kapag marami ang nakabukas na account marami ang babayarin."
Adding up the profits
“Mahalagang alam mo ang takbo ng iyong super at ipagsama-sama ang sa iisang account ng tama," sabi n O'Halloran. Credit: djgunner/Getty Images
Ang mga temporary resident visa holders na nagtrabaho dito as Australia, ay maaaring makuha ng buo ang kanilang Super kapag umalis o umuwi na sa kanilang sariling bansa.

Kinakailangan lang na mag-apply para sa Departing Australia Superannuation Payment o DASP habang andito sa Australia.

Subalit mangyayari lamang na makuha nito ang super kapag ma-expire o makansela ang visa nito.

Kung hindi mo gagawin iyon sa loob ng anim na buwan pagkatapos umalis sa Australia o mag-expire ang iyong visa, hahawakan ng ATO ang iyong fund at ililipat sa ATO bilang hindi na claim na super," paliwanag ni Rosenzweig.

“Kaya ng ang fund ay sa yo pa din , maaari mo pang itong ma-claim mula sa amin, pero ang ATO ang kasalukuyang may hawak ng pondong ito."
Apple picking during harvest in a fruit orchard
Ang mga Temporary resident visa holder ay maaaring mag-apply para ibigay ang super sa kanila kinakailangan lang na mag-apply para sa Departing Australia Superannuation Payment o DASP habang andito sa Australia. Source: Moment RF / Robert Lang Photography/Getty Images
Subalit, ang mga permanent residents o Australian citizens na lilipat sa ibang bansa ay maaari lang ma-access ang kanilang super katulad lang din ng mga andito sa Australia.

“Kaya kailangan mong makaabot sa preservation age, at maabot mo ang kondisyon na ito para maibigay ang iyong super."

“Kahit na umalis ka sa Australia, hindi mo pa din makukuha ng basta basta ang iyong Super, maliban na lang kung may mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng sobrang hikahos sa buhay, gamitin sa pagpagamot ng sakit na hindi sagot ng Medicare."

Pangangasiwa ng super kapag nasa ibang bansa

Mga iminungkahing tips ni O’Halloran para mapangasiwaan ng mahusay ang iyong superannuation habang nasa ibang bansa:

  • I-update ang iyong contact details para hindi mawala ang iyong super.
  • Suriin ang performance ng iyong super fund sa ATO sa pamamgitan ng ,
    na nagbibigay-daan para paghambingin ang mga produkto sa merkado sa pamamagitan ng mga bayarin at pagganap na inihahatid ng mga ito
  • Suriin kung sakop ba ng insurance ang iyong fund para mabigyan ng proteksyon haban nasa ibang bansa ka.
Young woman holding suitcase or baggage with backpack in the international airport.
Kung ikaw ay Australian citizen o permanent resident, dapat mong malaman na hindi mababago ang patakaran at alituntunin sa usaping superannuation kahit nasa ibang bansa ka naninirahan. Source: Moment RF / Mongkol Chuewong/Getty Images
Suriin ding hindi ka nagbabayad ng mga hindi kinakailangang bayarin at ipagpatuloy ang kontribusyon.

“Ang average na bayad sa merkado kapag may $50,000 na balanse ay nasa isang porsyento kada taon, na dapat bayaran sa loon ng isang taon. Pero may mga mas mababang bayarin an inaalok ng merkado.

“ Mabuti ding maghanap ng ibang provider ng super na may mas mababang bayad at ang iyong savings ay hind nawalala habang nasa ibang bansa ka naninirahan.

" At higit sa lahat ipagpatuloy ang kontribusyon sa iyong retirement para lumaki naman ang iyong savings kahit na nasa ibang bansa ka na naninirahan."

Sino ang benepisyaryo ng super kapag namatay

Bagama't idinesenyo ang superannuation para may magamit para saiyong pagretiro , mahalagang kasanayan pa din na mag-nominate ng tao bilang benepisyaryo kapag ikaw ay namatay.

Pinangangasiwaan naman ng (AFCA), ang anumang reklamo patungkol sa pammahagi ng super death benefits.

Sabi ni Heather Gray ang Lead Ombudsman for Superannuation sa AFCA, ang karaniwang maling kuru-kuro ay ang pag-iisip na ang super ay bahagi ng iyong ari-arian.
Sa karamihan, ang superannuation ay isang mahalagang ari-arian maliban sa isang bahay para sa pamilya. Dapat isalang-alang na gumawa ng will at gumawa ng kasunduan para sa kanilang superannuation.
Heather Gray, Lead Ombudsman ng Superannuation, AFCA
Kapag ipinaalam ng mga trustee kung ano ang iminungkahi nilang gawin sa isang super death benefit, obligado silang ipaalam sa mga kinauukulang partido na maaari silang makipag-ugnayan sa AFCA sa loob ng 28 araw upang i-apela ang desisyon kung naniniwala silang hindi patas.
Retired woman managing on a low income
Kung hindi ka gumawa ng kasulatan para sa death benefit nomination, ang trustee ng super fund mo ang magdesisyon kung sino ang magiging benepisyaryo ng super fund mo kapag ikaw ay namatay. Credit: Kemal Yildirim/Getty Images
Pagkatapos ay ina-assess ang desisyon at ilabas ang pasya sa reklamo.

Sinasabi ni Heather Gray na kadalasang nagkakaroon ng mga reklamo sa desisyon ng isang trustee.

Karaniwan na ang mga argumento ay lumilitaw sa pamamahagi ng super ng death beneficiary, dahil ang mga tao ay may mga kumplikadong sitwasyon sa pamilya.

“Ang iba may maraming anak sa iba't-ibang relasyon. May mga legal na asawa pero nagkahilaway sa asawa at ngayon may live-in partner at minsan may mga anak pa na maliliit sa pinakahuling karelasyon."

Karamihan sa mga pondo ay magbibigay-daan sa iyo sa isang umiiral na nominasyon ng mga benepisyaryo na iyong mga dependent para sa mga layunin ng batas sa superannuation at ang tagapangasiwa ay kailangang sumunod sa nominasyong iyon.


“Ito ay legal na dokumento, kung saan dito inihahayag kung sino ang gusto mong maging benepisyaryo ng iyong superannuation kapag ikaw ay namatay."

"Kung magagawa mong gumugol ng ilang oras sa pagsasaalang-alang kung paano dapat ipamahagi ang iyong superannuation, at ilagay ang dokumentong iyon sa lugar kasama ng pondo, maaaring maresolba ang maraming argumento."

Share