Key Points
- “Stop it at the Start” ang kampanyang ito ay naglalayon na tapusin ang siklo ng karahasan sa paghikayat sa mga nakakatanda na maging mabuting huwaran
- Huwag isantabi ang pagpapangaral sa mga bata na gumawa ng tama at igalang ang lahat
- Maraming resources ang mahanap para simulan ang pag-uusap tungkol sa magandang kaugalian at paggalang
Hindi lahat ng pinapakitang kalapastanganan o kawalang-galang ay humahantong sa karahasan, ngunit tandaan lahat ng karahasan sa kababaihan ay nagsisimula sa kawalan ng paggalang sa kanila.
Pero lahat ng ito ay maaari nating tuldukan bago pa magsimula ang siklo ng karahasan.
Dahil dito, inilunsad ang pambansang kampanyang “Stop it at the start” para tapusin ang lahat ng tinatawag na gender-based violence o pananakit o mapaminsalang gawa na nakadirekta sa isang indibidwal batay sa kanilang kasarian.
Ayon kay Justine Elliot ang Assistant Minister for Social Services and Prevention of Family Violence, lahat ng mamamayan ay may magagawa para tuldukan ang anumang paraan ng karahasan sa simula pa lang.
“Programs like this, Stop it at the Start, are invaluable to helping break the cycle of violence, and they focus on particularly about helping people in the community raise young people especially the 10–17-year-old age group, so they better understand and embody respectful behaviour.”