Vaping: Ano ang panganib sa kalusugan at paano matutulungan ang mga menor de edad para huminto?

Australia Explained - Vaping

Most vaping products contain nicotine even if not labelled as such. Credit: StockBird/Getty Images

Sa Australia ang pagkalulong sa vaping o e-cigarette ng mga menor de edad ang itinuturing na “major public health issue" at numero unong problema sa mga eskwelahan. Alamin ang panganib sa kalusugan at paano matutulungan sila para mag-quit dito?


Key Points
  • Ang pagdami ng mga menor de edad nagva-vaping sa Australia ay naidokumento.
  • Dahil sa pagiging adik sa nicotine, hirap mag-quit sa vaping.
  • Dahil sa black market patuloy na ma-access ang mga menor de edad ang vaping products.
Hinihigpitan ngayon ng gobyerno ng Australia na ma-access ang vaping products sa bansa subalit dahil sa black market marami pa din menor de edad ang nakakabili dito.

Ayon kay Health Minister Mark Butler ang vaping ay maituturing na isang "major public health issue" at "numero unong problema patungkol sa pag-uugali ng mga kabataan sa eskwelahan, kung saan makikitang .

Sa katunayan, sa datos ng , isa sa tatlong estudyante sa sekondarya sa Australia ang gumamit ng e-cigarette sa taong 2022 hanggang 2023.Access to vaping products has become increasingly restricted in Australia.
Australia Explained - Vaping
Experts say that the vaping industry has been targeting young people with disposable vaping products which are often flavoured and coloured. Credit: Peter Dazeley/Getty Images
Ayon kay Becky Freeman na isang Associate Professor sa University of Sydney’s School of Public Health.

Naniniwala si Freeman na matagal ng nasa market ang vaping products.

At isa sa nagpasikat nito sa mga kabataan o menor de edad ay ang pag-advertise dito bilang iba kumpara sa yosi.

“But when you look at vaping, youth don't see it that way. They see it as safe, as socially acceptable or something fun, and the vaping industry has been hugely successful in their misinformation campaigns about just how harmful and how addictive these products are.”

Panganib ng Vaping sa kalusugan

Ayon naman kay Professor Nick Zwar ang namumuno ng Royal Australian College of General Practitioners Expert Advisory Group, na gumagabay para sa mga health practitioners na tumutulong sa mga taong nais tumigil sa paninigarilyo.

Ipinaliwanag niya na kahit ang mga non-nicotine vapes ay may panganib sa kalusugan dahil sa aerosols na nalilikha kapag vinaporize ang e-cigarette liquid, na binubuo ng glycerine at propylene glycol.

Sinusuportahan din ni Prof Zwar ang pahayag na may nicotine sa karamihan ng mga vaping products, kahit na hindi ito nakalagay sa label.

“When the Therapeutic Goods Administration and other groups have tested vaping devices labelled as not having nicotine, between 80 and 90 per cent have had nicotine in them.”

Dagdag pa nito malaki pa din ang health risks sa non-nicotine vapes.
Australia Explained - Vaping
It is estimated that about 1/3 of teenagers across Australia have at least tried vaping. Source: Moment RF / Daniel Lozano Gonzalez/Getty Images
Ang exposure sa nicotine ng mga mas batang edad ay nagdudulot ng malalaking panganib sa kalusugan, kabilang ang adverse effect sa kanilang development.

Apektado din ang baga at cardiovascular system.
Australia Explained - Vaping
Parents and teachers should ensure young people realise that nicotine is highly addictive Credit: fotostorm/Getty Images

Available tulong at suporta

Ayon sa Director ng Quit Victoria na si Rachael AndersenMs Andersen ang peer pressure at kakulangan sa kaalaman sa masamang epekto ng vaping o paninigarilyo sa kalusugan ang dahilan kung bakit mahirap para sa mga kabataan na tumigil.

“Young people in particular, have probably not been exposed to highly addictive habits and behaviours before, so they're probably not realising the consequences of what they're actually doing when they start to take up vaping.”


Sa Australia, marami ang mahingan ang tulong tulad ng Quitline isang nation-wide phone at online counselling service para tumulong mag-quit sa paninigarilyo o vaping.

May branches ito sa lahat ng estado at teritoryo at maaaring tumawag sa hotline 13 QUIT (13 7848).

Australia Explained - Vaping
Health experts say non-nicotine vapes also impact our health, due to the aerosols produced when vaporising the e-cigarette liquid, consisting primarily of glycerine and propylene glycol. Source: Moment RF / Martina Paraninfi/Getty Images

Paano matutulungang mag-quit sa vaping ang mga menor de edad?

Naniniwala si Prof Freeman para matulungan ang iyong anak na tumigil sa vaping, mangangailangan ng dalawang pangunahing hakbang: una pagpapanatiling positibo ang pag-uusap tungkol dito at agad humingi ng suporta mula sa mga eksperto.

Makipag-ugnayan sa Quitline at sa website.

Australia Explained - Vaping
Ms Andersen advises framing a conversation with your child about vaping in a way that allows them to safely share their experience and not feel judged. Credit: Plan Shooting 2 / Imazins/Getty Images/ImaZinS RF

Para sa tulong at suporta para huminto sa vaping:


Share