Bahagi na ng buhay ng mga Australians ang pag-inom ng kape.
Sa katunayan, tinatayang sa bansa ay umiinom ng kape araw-araw, kaya ang kape itinuturing na lifeblood ng mga Australians.
Ang pagkahilig ng kape ng halos buong populasyon ay nagsimula sa pagdating ng mga Western European immigrants na talagang mahilig sa kape dahil dito dinala nila ang espresso machine.
Ang espresso machine, ay idinisenyo upang mag-extract ng concentrated na kape, o espresso, sa pamamagitan ng high pressure.
At ipinangalan naman halos lahat ng gawang kape sa Italian names ang origin.
Sa paglipas ng panahon sa pag-inom ng espresso, naghangad kami ng mas mataas na kalidad ng mga butil ng kape, kaya't kumukuha kami ng mga ito mula sa iba't ibang panig ng mundo at nagsasagawa ng mga eksperimento sa mga technique ng pag-roast at pag-brew ng kape.
Ayon kay Santo Buccheri, ang may ari ng Map Coffee, ay nagsabi na ang espresso—na tinatawag din na short black. Ito ang naging batayan ng karamihan ng mga kape.
Ito ang pinakatamang paraan para maipatikim ang tunay na lasa ng kape, at maituturing itong 'exacting science' gamit ang espresso machine ng mga magagaling na barista.
Ang espresso, o short black, ay ini-extract mula sa humigit-kumulang 10–12 grams ng kape at nakakakuha ng 30ml na liquid.Santo Buccheri, Map coffee
May mas matapang pa sa espresso ito ay ang tinatawag na 'ristretto' na gumagamit ng parehong range ng kape pero ini-extract dito ay humigit-kumulang sa 20ml ng liquid.
The long black and latte are Australia’s most popular black and white coffees. (Getty) Source: iStockphoto / Tim Allen/Getty Images
Narito ang ilan sa mga sikat na ginagawang kape:
- Long black- ay pinagsamang mainit na tubig at two shots ng espresso, walang gatas.
- Short black o espresso- ito ay simpleng gawa sa may 10–12 grams ng coffee at ang ini-extract ay 30ml ng liquid at halong walang gatas o tubig. Ito ang base ng karamihan ng mga kape. Ito ang pinakatamang paraan para maipatikim ang tunay na lasa ng kape.
- Ristretto ay nagdudulot ng mas matapang na lasa kaysa sa espresso dahil ito ay mas concentrated.
- Cafe latte- kape na may gatas
- Flat white- original na gawa sa Australia, ito ay tulad ng cafe latte
- Classic Cappuccino– ito'y isang milk coffee na binuburan ng chocolate powder, para sa mahilig sa matamis
Cappuccino art. Credit: pixelfit/Getty Images
- Piccolo latte- ay isang scaled-down latte pero mas matapang ang lasa o may sipa. May isang shot ng espresso na may kaunting gatas upang lumikha ng mas malakas na lasa ng kape.
- Magic- Melbourne signature coffee, na halos katulad ng piccolo latte pero mas matapang, gustong may matinding caffeine hit.
- Macchiato- ito ay isang espresso, na may milk froth, ang mga mahilig sa kape na nais inumin nang mabilis at maramdaman ang caffeine hit.
- Decaffeinated coffee, o 'decaf,' -walang caffeine
- Babycino- itoy isang maliit na tasa ng may foamed milk, na binudburan ng chocolate powder. Ito ay idinisenyo upang mag enjoy ang mga bata kasama ng kanilang mga magulang at hindi maabala ang mga ito habang umiinom ng kanilang kape.
Australians are coffee-obsessed, so much so that Melbourne is often called the world's coffee capital. (Getty) Credit: miniseries/Getty Images