Bakit mahalagang bakunahan ang mga bata sa Australia?

Australia Explained - Child Immunisation

Any vaccine given to children in Australia has been approved by the Therapeutics Goods Administration. Credit: Science Photo Library - IAN HOOT/Getty Images

Alam mo ba na isa sa limang bata ang nasa panganib ng pagkamatay mula sa sakit na ngayon ay puwedeng maiwasan sa pamamagitan ng bakuna?


Key Points
  • Sa ilalim ng National Immunisation Program ng Australia, ang pangunahing bakuna ay ibinibigay nang libre sa mga sanggol at bata upang makatulong na maiwasan ang sakit.
  • Ang federal polices na “No Jab, No Pay” at ang mga patakarang “No Jab, No Play” sa mga estado ay nangangailangan na ang mga bata ay bakunado para eligible para sa family support payments o ma-access ang childcare subsidy.
  • Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa pagbabakuna ng iyong anak, makipag-ugnayan sa health professional.
Ayon sa pananaliksik na pinangunahan ng, sa nakaraang 50 taon, ang mga bakuna ay nakapagligtas ng 146 milyong buhay ng mga bata na mas bata sa limang taon.

Ang vaccination program sa Australia ay tumutulong upang maiwasan ang mga malalang resulta mula sa maraming impeksyon sa mga bata. Para makuha ang mga family support payments—at sa ilang mga estado, mga childcare services—kailangan maging kumpleto ang bakuna ng iyong anak ayon sa national schedule.

H Westland.jpg
Hazel Westland, a first-time mum, is attentive to the health of her only child due to allergies. Besides ensuring her child is fully vaccinated, she enhances her child's immunity by blending fruits and vegetables. Credit: Hazel Westland
Ang first-time mum na si Hazel Westland over-protective sa nag-iisang anak na tatlong taong gulang na ngayong si Lazarus lalot kahit malusog ang pangangatawan, may allergy ito sa pagkain tulad ng itlog, manok at seafoods.
Australia Explained - Child Immunisation
Measles is the most transmissible childhood infection. But when a community has high vaccination coverage, herd immunity can be achieved. Source: Moment RF / Witthaya Prasongsin/Getty Images
Laking tulong umano na kumpleto ang anak sa bakuna dito sa Australia.

Dahil may mga bakuna na hindi pwedeng iturok sa bata, gumagawa siya ng paraan upang suportahan ang resistensya nito sa katawan.
H Westland Christmas.jpg
Hazel Westland, a first-time mum, is attentive to the health of her only child due to allergies. Besides ensuring her child is fully vaccinated, she enhances her child's immunity by blending fruits and vegetables. Credit: Hazel Westland

"Nagbe-blend ako ng fruits at vegetables tapos maingat kami kapag maraming tao. Kung may kaunting nararamdaman agad naming dinadala sa GP, " kwento ni Hazel.

Sinasabi ni Associate Professor Philip Britton na nagtatrabaho sa child at adolescent health sa University of Sydney.

Ang programa ng pagbabakuna sa Australia ay isa sa mga pinakamalawak na programa, na nagbibigay proteksyon laban sa mga karaniwang impeksyon sa bata na dati ay nagdudulot ng malubhang sakit, o patuloy na nagdudulot sa ilang bahagi ng mundo.

“Mga sakit tulad ng tigdas, diphtheria, tetanus, at whooping cough. Isang bagay tulad ng bulutong tubig na dating nakakahawa sa halos lahat ng bata, ilan sa kanila ay talagang nahirapan mula sa impeksyong iyon.

“Bumalik sa 20 taon na ang nakalipas, mayroong virus na nagdudulot ng malubhang pagtatae sa mga bata na tinatawag na rotavirus. Ngayon ay binabakunahan na natin ito sa Australia.”
Australia Explained - Child Immunisation
Portrait of Aboriginal schoolteacher and boys and girls sitting at picnic table on lunch break Credit: JohnnyGreig/Getty Images

Paunawa sa ‘No Jab, No Pay’, ‘No Jab, No Play’

Ang Department of Health and Aged Care ay lumikha ng schedule na angkop na bakuna para sa mga bata hanggang 20 taong gulang, at ibinibigay ito nang libre.

Sa ilalim ng pederal na patakarang “No Jab, No Pay,” kinakailangang pabakunahan ng mga magulang ang kanilang anak ayon sa schedule upang makatanggap ng family assistance payments.

Ang mga payments na ito, na pinangangasiwaan ng Services Australia, ay kinabibilangan ng Family Tax Benefit at childcare subsidies.

Ang Australian Immunisation Register ay ang national database na nagre-record ng lahat ng vaccines na ibinigay sa Australia, maging sa pamamagitan ng National Immunisation Program, mula sa mga school programs o private vaccination provider .

Ang lahat ng ito ay automatic na nakalink sa Medicare at maaari lamang itong ma-update ng isang recognised vaccination provider tulad ng isang GP o isang community health centre.

Kung ang overseas vaccination documentation ng inyong anak ay hindi nakasalin sa wikang English, ita-translate ito ng Services Australia.
Australia Explained - Child Immunisation
Child immunisation also protects vulnerable members of the child’s environment, including newborn babies and immune-compromised patients. Source: Moment RF / Alan Rubio/Getty Images
Ang immunisation requirement para sa ‘No Jab, No Play’ ay ipinatutupad din sa mga early childhood education ng mga bata, kasama ang mga childcare services, day care, at kindergartens.
Pero dapat suriin ito sa bawat estado at teritoryo dahil baka magkaiba ang panuntunan.

Ayon kay Prof. Britton, may dalawang pangunahing dahilan kung bakit ang isang bata ay maaaring hindi bakunahan dahil sa medical condition. Una, ang mga abnormal na reaksyon sa mga bakuna sa nakaraan, na kadalasang nagiging anaphylactic reaction, at pangalawa, ang pagkakaroon ng mahinang immune system.
Australia Explained - Child Immunisation
If your child has a complex medical condition, you can discuss their immunisation options with a trusted medical professional. Credit: The Good Brigade/Getty Images
Nasa ilalim ng mahigpit na mga kriteriya ang pagbibigay ng mga medical exemption, at tanging ang mga lehitimong vaccine providers ang may kakayahang suriin at magbigay ng sertipikasyon kung ang isang bata ay dapat na hindi mabakunahan.

Abiso naman ng mga eksperto sa mga magulang kung may tanong tungkol sa child immunisation, tumungo sa , ito ay pinangangasiwaan sa ilalim ng .

Maaari ding magtanong sa GP para sa inyong special immunisation clinic ng iyong estado at teritoryo.

Alamin ang tungkol sa pambansang at batas ng estado na may kaugnayan sa immunisation requirements para sa pangangalaga ng kabataan .  

Bisitahin ang , para sa impormasyon tungkol sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna at iba pang mga isyu na may kaugnayan sa pagbabakuna ng mga bata.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa karagdagang mahalagang impormasyon at mga tips tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

Mayroon ka bang mga tanong o ideya sa paksa? Mag-email sa

Share