Ang kahalagahan ng greening o pagtatanim ng kahoy o halaman kung saan ka nakatira

Bonding In The Garden

Father and son bonding in their garden and tending to their vegetable patch together. Credit: SolStock/Getty Images

Pinapahalagahan ng mga Australians ang pangangalaga ng kahoy o halaman sa kapaligiran,lalo't malaki ang benepisyo nito buhay ng mga nakapaligid dito. At bilang proteksyon, itinakda ang mga patakaran para sa lahat kung ano ang maaari at hindi gawin sa mga lansangan at hardin.


Key Points
  • Ang mga halaman at kahoy sa kapaligiran ay nagpapaalala sa iyong kabataan at pinagmulan.
  • Ang bawat konseho sa Australia ay may Tree Preservation Orders bilang proteksyon sa mga nakatatim na kahoy sa paligid.
  • Ang nagre-renta ng bahay ay dapat humingi ng permiso kung may gagawing malaking pagbabago sa mga hardin ng lugar na kanilang nirerentahan.
Hindi maitatanggi malaki ang benepisyo kapag may hardin at maraming tanim malapit sa iyong bahay.

“Maraming pag-aaral ang ginawa tungkol sa biophilia, ito ang tungkol sa koneksyon ng tao sa kanyang kapaligiran," kwento ng horticulturist na si Justin Calverley.

“Ang ibang malalaking syudad halos wala ng mga tanim pero alam nating lahat na mas maganda ang pakiramdam kapag napapaligiran ng maraming halaman ang paligid."
Apartment block in Sydney NSW Australia with hanging gardens and plants on exterior of the building at Sunset with lovely colourful clouds in the sky
Ang apartment block sa Sydney, Australia na may hanging garden sa labas ng gusali . Source: iStockphoto / Elias/Getty Images/iStockphoto
Kabilang sa benepisyo ng pagtatanim ng kahoy o halaman ay ang cooling effect sa kapaligiran at nagbibigay din ito ng tabing o shade. Nakakatulong din ito para salain ang hangin at nararamdaman mo ito kapag napalibutan ka ng kahoy o anumang mga halaman.

Pero sabi ni Calverley, ang mga halaman o kahoy sa paligid ay may magandang dulot sa mga bagong salta sa Australia.

“Ang mga halaman at kahoy sa kapaligiran ay nagpapaalala sa iyong kabataan at pinagmulan, nakakatulong ito para palakasin ang iyong loob sa pagsisimula dito sa bansa.”
Ang mga halaman at kahoy sa kapaligiran ay nakakatulong ibalik ang mga alaala mula sa iyong pinagmulan. Nagpapaalala din ito sa iyong mga nakaraan, sa pamamagitan ng iyong mga nakikita , pagkain, at pag-amoy.
Justin Calverley, horticulturalist
McElhone Place Surry Hills, Sydney
McElhone Place Surry Hills, Sydney Credit: Richard Gurney
Ang pagtatanim ng mga halaman ay maraming benepisyo tulad na lang ng masustansyang gulay at paraan na din ito para mag-ehersisyo.

“Nakakakuha tayo ng vitamin D mula sa araw. Ang pagtatanim ay isang magaan na paraan ng pag-ehersisyo na may koneksyon sa ating mundo o kalupaan, " kwento ni Calverley.

Ano ang urban canopy?

Ayon kay Marcus Pearl, ang alkalde ng Port Phillip in Melbourne, ito ay isang open space at hindi lahat ng mga syudad sa bansa ay may ganitong lugar, kaya napakahalagang may nakatanim na mga puno para na din sa ikabubuti ng mga hayop, insekto sa paligid at higit sa lahat mga tao.

Ang mga Australian trees ay protektado ng Tree Protection Act at ng bawat lokal council Tree Preservation Orders.
Melbourne tree canopy_Mark Burban_Getty.jpg
Melbourne tree canopy Credit: Mark Burban / Getty Images
Samakatuwid, ang mga residente sa lungsod ay kinakailangang may pahintulot mula sa konseho bago alisin ang mga malalaking puno, at halaman kahit na nakatanim ito sa mga pribadong hardin.

“Karaniwang ipinagbabawal sa mga lungsod na putulin ang mga kahoy ang dahil gusto ng konseho na panatilihin ang '‘urban canopy’, dahil ito ang nagiging lilim dahil sa mga kahoy sa syudad,' sabi ni Councillor Pearl.

Inilatag naman ng konseho ang mga patakaran, na isinalin sa maraming wika, kung ano ang pwede at hindi maaaring gawin sa mga kahoy sa lugar.
Darlinghurst Sydney_Nina Rose_Getty.jpg
Darlinghurst, Sydney Credit: Nina Rose / EyeEm / Getty Images

Mga hakbang para sa kalikasan

Paliwanag ng alkalde ng Port Phillip, tulad ng kanyang lungsod na nasasakupan dahil sa kaunti lang ang open space hinihikayat nila ang mga residente na magtanim sa kanilang paligid.

Matapos ang ginawang konsultasyon sa komunidad, pinahihintulutan na ang mga residente na magtanim sa mga pampublikong lugar o kaya sa mga paso malapit sa kanilang mga kabahayan.

Dahil sa COVID-19 nakakamangha ang ginawa ng mga tao. Dahil nagtutulungan ang magkakapit-bahay para magkaisa at magtulungan sa pagtatanim pati sa harap ng kani-kanilang mga tahanan.
Marcus Pearl, Alkalde ng Port Phillip sa Melbourne
“Hinihikayat at binibigyan namin ng pagpupugay ang mga taong ito dahil may kanilang pagtatanim ay may malaking benepisyo sa lahat."

Ano ang maaaring gawin ng mga nagre-renta ng bahay?

Ang mga nagrerenta ng bahay, ay kinakailangan ding panatilihing malinis ang kapaligiran tulad na lang ng pagtabas ng damo o mowing at paglilinis ng mga sanga ng kahoy sa hardin.

Paliwanag ng Sydney Property Manager na si Iggy Damiani, ikinagagalak nila ang mga ninanais na pagbabago ng mga nagre-renta. Subalit, kapag malaking pagbabago tulad ng pagtatanim ng kahoy sa paligid na posibleng makahambalang sa mga naninirahan dapat humingi ng pahintulot sa landlord.

“Kung ang tenant ay may gagawing pagbabago sa hardin dapat ipaalam ito sa property manager, para hindi magkaroon ng problema sa landlord.”
Potted gardens_Adene Sanchez_Getty.jpg
"Para sa mga migrants sa Australia ang makita ang pamilyar na halaman isang nakapahalagang tagpo sa buhay ng mga nagsisimula sa bagong bansa," sabi ng horticulturist Justin Calverley. Credit: Adene Sanchez / Getty Images
Ang pagtatanim sa mga paso o potted garden ay nagbibigay daan sa mga nagre-renta ng bahay na may kalayaan na makapagtanim.

“Advantage ito dahil madadala ito kapag lumipat , pwede mo rin na ilipat ang mga halaman painitan o ilagay sa lilim. Subalit kailangan magsimula sa maliliit at paunti-unting halaman. Kailangan lang ang nakatanim sa paso ay tama sa kanyang pinaglagyan at dun na magsimulan mag-mix and match sa mga halaman," payo ni Calverley.

Isinaalang-alang din ng bansa ang Australian native at indigeous na halaman na makikita sa mga rehiyon sa bansa.

"Kung magsisimula sa paghahardin, ang mga indigenous plants ay mas madaling tutubo dahil sanay na sila sa klima at lupa meron ang Australia."


Share