Bakit nga ba magkakaiba ang klima at panahon sa bawat estado ng Australia?

Lake Eildon was built in the 1950's to provide irriga

Lake Eildon was built in the 1950's to provide irrigation water for the Goulburn Valley Credit: Construction Photography/Avalon/Getty Images

Ang Australia ay pinakatuyong kontinente na tinitirahan, na may malaking pagkakaiba-iba sa ulan, temperatura at pati pattern ng panahon sa climate zones. Narito kung bakit ang malawak na lupaing ito aay ito ay mayroong isa sa pinaka-natatanging klima sa planeta.


Key Points
  • Ang Australia ay ang pinakatuyong kontinente na tinitirahan, at madalas ang mga yugto ng tagtuyot ay nagdadala ng mainit na panahon at panganib ng mga sunog sa kagubatan.
  • Mayroong maraming iba't ibang climate zones sa buong Australia, na inuuri batay sa pagkakaiba-iba sa temperatura at kahalumigmigan, mga halamanan, at panahon ng pag-ulan.
  • Nasa panganib ang ecosystem ng bansa dahil sa land clearing at iba pang development na ginagawa ng mga tao kaya mahalaga ang maituturing na napakahalaga ng tubig sa bansa.
Mula sa tropikal na hilaga hanggang sa temperate na timog, ang Australia ay nakakaranas ng maraming mga extreme weather condition, kabilang ang mga bagyo, baha, mga mainit na panahon, at tagtuyot.

Ang ating klima ay nag-uugnay sa iba't ibang ecosystems na matatagpuan sa buong Australia, at dahil ang tubig ay isang napakahalagang yaman dito, marami sa mga ecosystem ng Australia ay mahina at madaling maapektuhan ng pagbabago ng klima, sunog sa kagubatan at tagtuyot. Kaya't kinakailangan ang mga pagsisikap sa pangangalaga upang mapanatili ang mga sensitibong kapaligiran na ito.

Sa katunayan noong 1900’s ayon sa Australian poet na si ang kanyang tanyag na tula na My Country, na na nakakaakit ang ganda at malawak na kulay-kayumangging lupain na ito.

“I love a sunburnt country,
A land of sweeping plains,
Of ragged mountain ranges,
Of droughts and flooding rains…”

Ayon kay Catherine Ganter ay isang senior climatologist at the Bureau of Meteorology at ipinaliwanag niya ang ilan sa mga extreme na kondisyong ng panahon ay maaring maranasan sa Australia.

"Ang Australia ay kilala bilang lupain ng tagtuyot at malalakas na pag-ulan. Maaari itong magkaroon ng mga taon ng tagtuyot, na nagdadala ng mainit na panahon at mas mataas na panganib ng sunog. Ngunit maaari rin itong magkaroon ng mga buwan ng malakas na pag-ulan na nagreresulta sa malawakang baha."

The stark landscape of the Monaro Tablelands which is one of 19 ecosystems collapsing in Australia - Image Greening Australia.JPG
The stark landscape of the Monaro Tablelands which is one of 19 ecosystems collapsing in Australia - Image Greening Australia. Credit: Annette Ruzicka

Ang Extreme na Panahon

Sinabi ni Ganter na maraming mga dahilan ang maaaring makatulong sa mga extreme conditon na panahon na maaaring maranasan ng Australia.

"Ang mga tulad ng El Niño-Southern Oscillation at ang Indian Ocean Dipole ay maaaring magdagdag sa ating tsansa ng extreme na panahon. At ang climate change ay nagbabago rin ng ating tsansa ng ekstremong panahon."
climate.jpg
Catherine Ganter is a senior climatologist at the Bureau of Meteorology - Image BOM. Dr Blair Parsons is the Director of Impact at Greening Australia - Image Greening Australia.
Sa mga urban areas, ang mga mayroong hardin ay maaaring magtanim ng mga halamang katutubo na kayang mabuhay sa tagtuyot upang bawasan ang pangangailangan sa pagdidilig at magbigay ng tirahan o lilim para sa mga katutubong hayop. Ang pagdidilig ng mga hardin sa umaga o hapon ay nagpapababa rin ng paggamit ng tubig sa pamamagitan ng pagbawas ng evaporation. Sa mga rural na lugar, maaaring "mag-rehydrate" ang tanawin sa pamamagitan ng pagtatayo ng natural na daloy ng tubig gamit ang pagtatayo ng mga istraktura at pagtatanim ng mga halamang katutubo.

Ang mga extreme na a panahon sa Australia ay maaaring maging mapanganib sa mga tao at imprastruktura, kaya mahalaga ang pagiging handa.

Paghahanda sa extreme na Panahon


Share