Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Boxing Day sa Australia

Portrait of an excited beautiful girl wearing dress and sunglasses holding shopping bags

All you need to know about Boxing Day in Australia - Getty Source: Moment RF / Witthaya Prasongsin/Getty Images

Inaabangan ng mga Australians ang Boxing Day tuwing ika-26 ng Disyembre, ngunit lingid sa kaalaman ng marami ito ay natatanging okasyon dala ng kombinasyon ng kultura at pangkalakalang kalahagahan. Paano at saan nga ba nagmula ang tradisyong ito? At alamin ang mga tips mula sa mga eksperto para maging ligtas at talagang ma-enjoy ang malalaking diskwento sa iyong pamimili.


Key Points
  • Ang Boxing Day sales ay top retaila event mula ika-26 ng Disyembre na aabot sa halos isang linggo.
  • Karamihan sa mga produktong binibili mo sa Australia ay may consumer guarantee.
  • Ang mga benta sa holiday season ay umaabot ng $23-25 bilyon, at ang Boxing Day ay nagbibigay ng $3-4 bilyon dito.
Ang Boxing Day, ay isang public holiday sa Australia at ginaganap tuwing ika-26 ng Disyembre, isang malaking kaganapan pagkatapos ng Pasko.

Ito ay nag- ugat mula sa Britanya, kung saan isang tradisyonal na araw para magbigay ng "Christmas boxes" sa mga manggagawa noong 16th century.

Sa paglipas ng panahon ito ay naging pagkakataon para sa pahinga, sports, at kilalang Boxing Day sales sa Australia.
Brian Walker Head shot.png
Brian Walker, CEO and Founder of Retail Doctors Group

Boxing Day Sales

Ang Boxing Day sales ay isang magandang pagkakataon para sa mga mamimili na makakuha ng mga diskwento mula sa mga electronics hanggang sa damit.

Ayon kay Brian Walker, CEO atFounder of ,malaking bagay ang mga promo sale na ito sa Australia, na may malalaking diskwento sa maraming tindahan.

"Boxing Day sales traditionally have been the premier retail shopping event on the calendar from December 26th for about seven days. Approximately 23 to 25 billion dollars in sales is done from that period nationally in Australia. And the Boxing Day itself, the 26th, is the largest single day, with about three to four billion dollars," sabi ni Walker.
Australians Celebrate Boxing Day Under COVID-19 Restrictions
MELBOURNE, AUSTRALIA - DECEMBER 26: People shop at Cotton On during the Boxing Day sales at Chadstone the Fashion Capital (Photo by Naomi Rahim/Getty Images) Credit: Naomi Rahim/Getty Images

Pag-navigate sa Karanasan ng Pamimili

Sinasabi ni Lauren Di Bartolo, Founder ng , ang Boxing Day ay hindi lang ang nag-iisang panahon ng sale sa bansa.

Dahil bago pa ang Boxing Day, may Click Frenzy sa Oktubre, sa Nobyembre, Black Friday at Cyber Monday sa katapusan ng buwan.

Sa pagsisimula ng sale season mula Nobyembre hanggang katapusan ng Enero kada taon, umaabot sa 70 bilyong dollar ang inaasahang ginagastos ng mga mamimili.

Sa Boxing Day, hindi lang in-store maaari mo ding mahanap ang diskwento sa mga online shop subalit mahalagang tiyaking maging ligtas sa pamimili.
Kilalanin ang nagtitinda, tiyakin na ligtas ang kanilang online na proseso, suriin ang mga banking details, siguruhing naka-install ang lahat ng security apps, ngunit sa tingin ko, higit sa lahat, kilalanin ang nagtitinda. Alamin na ligtas ang site, at lahat ng kilalang nagtitinda ay may secure transaction pathways at secure na mga site.
Brian Walker
Sa Boxing Day, dapat ay planuhin at mag-research para maging maayos ang iyong pamimili. Mahalaga ding huwag mag-over spend sa budget at tiyaking ang kinakailngan lang ang bilhin at bago magshopping suriin ang wardrobe para iwas sa sobrang gastos.

"There's a part of the brain called the reticular activating system. This is sort of part of the psychology of style. What it does is it has us looking for more of the same thing already familiar to us. So, what that can mean is often we will look for things we already have in the wardrobe," dagdag ni Di Bartolo.

LaurenDiBartolo.JPG
Australian Style Institute Founder Lauren Di Bartolo

Maglaan ng Budget at Huwag Mag-overspending

Sinabi ni Nadia Massoud, isang Professor ng Finance sa , maglaan ang budget para sa pamimili at sundin ito.

"If you have children and they're growing in age, and you must buy some shoes and clothes for them, then you plan ahead of time. And buy those important items during the boxing day sales.". 

Pag-unawa sa Karapatan ng Mamimili sa Australia

Ipinaliwanag ni Natasha Mann bilang mga mamimili sa Australia, mahalaga malamang protektado ang inyong mga karapatan bilang mamimili. At ang kaalamang ito ay magliligtas sa iyo sa abala.

Sa ilalim ng Australian Consumer Law, may karapatan kang humingi ng refund, repair, o replacement para sa mga sira o hindi ligtas na produkto na hindi tumugma sa kanilang description ng produkto. Itago ang inyong resibo at huwag mag-atubiling ipaalam ang mga isyu sa nagtitinda.

"Products need to be of an acceptable quality. They need to be safe and lasting with no faults. They need to look acceptable, so no scratches or dents or anything like that," pagpapaliwanag ni Mann.
Australians Celebrate Boxing Day
Boxing Day sales are an excellent opportunity for shoppers to grab deals on everything from electronics to clothing - Getty Credit: Diego Fedele/Getty Images
Ayon sa eksperto hindi mahalaga kung mula online o in-store ang biniling produkto. Ang iyong mga karapatan ay pareho. Ngunit maaaring maging mas komplikado kapag bumili ka mula sa isang nagtitinda sa ibang bansa. At may mga pagkakataon na hindi ka maaaring maging eligible para sa refund.

"During the Boxing Day sales, just make sure that you're purchasing what you want to purchase because if you change your mind, you're not automatically entitled to a refund," dagdag ni Mann.

Ang pagsa-shopping ay isang malaking bahagi ng Boxing Day sa Australia, ngunit mayroon pang pwedeng gawin na parehong mahalaga.

Binigyang-diin ni Di Bartolo na maaaring panahon ito ng pagsasalu-salo o get together, relaxation, at pagsaluhan ang mga natitirang pagkain o anuman, sa nagdaang selebrasyon ng Pasko.

"Boxing Day doesn't need to be a day that's about spending and shopping. At the heart of Boxing Day, for many Australians, it's considered a day where people can relax after the momentum that builds and the rush that happens in the lead-up to Christmas," paunawa ni Di Bartolo. 

Share