'Bakit di ka kumakain ng baboy?' Paano hinaharap ng Pinay Muslim ang mga stereotype

madz and mom.JPG

Madz Kamlon (left) was raised in the Islamic faith but surrounded by Catholic relatives. Her mother (right) reverted to Islam when she married Madz's father. Credit: supplied by Madz Kamlon

Lumaki napapalibutan ng mga Katoliko si Madz Kamlon, ngunit siya isinilang at lumaki sa pananampalatayang Islam.


Key Points
  • Katoliko ang ina, ngunit nag-revert sa Islam noong mapangasawa niya ang ama ni Madz..
  • Pasko ang isa sa mga paboritong selebrasyon ni Madz.
  • Ang ama ni Madz ay isang Ustadz.
Maraming pagkakataon na na-stereotype si Madz ngunit pinipili na lamang niya ang mga pagkakataon sasagutin niya ang mga tao.

'Tinatanong nila ako, ano relihiyon mo bakit di ka kumakain ng baboy? Minsan, mag order ng puizza sa trabaho pero may pepperoni, di na lang ako kumakain. May mga nag tanong din sa akin, Muslim ka? Nagbebenta ka ba ng CD o DVD?'

Mga sagot niya sa minsan nakaka galit na mga katanungan? 'Pinipili ko na lamang kung sino o ano ang sasagutin ko. I choose my battles.' sagot ni Madz 'The people who matter don't care'

May panahon na lubhang naapektuhan si Madz ng mga stereotype, lalo na noong panahon matapos ang 911. 'Nawalan ako ng gana makipag-kaibigan. Noong mga panahon iyon, hindi mo naman maaring i-share ng basta batas sa mga magulang mo ang nararamdaman mo.'




LISTEN TO
RAMADAN FILIPINO MADZ image

Kahulugan ng Ramadan sa buhay ng Pilipinang lumaki napalibutan ng mga Katoliko.

SBS Filipino

09:59


Share