Ano ang de facto relationship sa Australia?

Australia Explained - De Facto Relationships

rear view of a couple walking on the street Credit: franckreporter/Getty Images

Sa ilalim ng Australian Family Law Act, ang mga magsing-irog sa isang de facto relationship ay tinatrato nang halos katulad ng mga ikinasal na mag-asawa. Ngunit ano ang kanilang mga legal na karapatan at obligasyon sakaling maghiwalay, at ano ang mga benepisyo at criteria para sa de facto status?


Key Points
  • Ang mga criteria para sa hatol ng korte sa isang de facto relationship, kung hindi rehistrado, ay hindi pare-pareho para sa lahat ng kaso, batay sa assessment ng individual circumstances.
  • Ang de facto institution ay nagtatanggol sa mga karapatan ng hindi kasal na magkasintahan, kabilang sa mga bagay na nauugnay sa paghihiwalay o mga claims sa pagkamatay ng partner.
  • Ang Mediation ay isang alternatibo sa korte para lutasin ang mga alitan pagkatapos ng breakdown ng isang de facto relationship.
Sa Australia, kapag magkasama ang dalawang tao o naglive-in bilang magkasintahan, maaari pa ring kilalanin ng batas ang kanilang relasyon kahit hindi sila kasal.

Ang kahulugan ng de facto relationship ay malawak na inilalarawan sa , bilang dalawang tao na pareho o magkaibang kasarian na "naninirahan sa isang tahanan."

Ang proseso at mga kinakailangan para kilalanin ang iyong relasyon bilang de facto ay depende sa iyong estado o teritoryo ng tirahan.

Halimbawa, sa South Australia, ang mga de facto relationships ay nirehistro sa ilalim ng . Kapag nirehistro na ito, nagbibigay ito ng awtomatikong pagkilala ng batas kahit saan sa Australia.

Australia Explained - De Facto Relationships
Lesbian couple looking at mobile phone and smiling in living room at home. Credit: eclipse_images/Getty Images

Pagkilala ng korte sa de facto relationship

Kapag hinihingan ang isang korte na suriin kung ang dalawang tao ay may relasyon bilang magkasintahang de facto, maaaring isama sa pagsasaalang-alang ang mga sumusunod na kalagayan:
  • Ang haba ng relasyon at ang public reputation
  • Kung mayroong sexual relationship
  • May financial arrangements o ari-arian
  • Degree ng commitment na magsasama habangbuhay
Australia Explained - De Facto Relationships
A Young Man is Distraught and Ignoring her Muslim Girlfriend While Arguing. A Man and his Muslim Girlfriend are Having a Serious and Harsh Communication Due to the Problems They are Going Through. Credit: ProfessionalStudioImages/Getty Images
Samantala kung maghihiwalay at kung hahantung naman sa alitan tungkol sa mga anak dahil sa parenting arrangements at child contact, hinaharap ito ng korte sa parehong paraan tulad ng sa mga ikinasal na mag-asawa.

Ang mga application naman para sa mga court order kaugnay ng mga pinansyal na bagay, kabilang ang paghahati ng ari-arian at partner maintenance, ay dapat isumite sa loob ng dalawang taon mula nang maghiwalay sa de facto partner, maliban kung mayroong espesyal na mga circumstances para ipagpapaliban o exception.

Pagresolba ng alitan sa pamamagitan ng mediation

Tulad ng mga kasal na mag-asawa, ang mga de facto na magkarelasyon na naghihiwalay ay maaaring magkaroon ng access sa mediation services upang tulungan na magkasundo sa mga alitan tungkol sa mga anak at sa pinansyal.
Australia Explained - De Facto Relationships
Family law concept. Family Paper and hammer on the table Source: Moment RF / Rapeepong Puttakumwong/Getty Images
Sinabi ni Fiona Bennett, isang Counsellor sa Relationships Australia Western Australia , na ang mediation ay makakatulong sa dalawang partido na magkaroon ng isang kasunduan na makatarungan at patas sa kanilang dalawa, habang hindi ma-carried away sa kanilang emosyon.

Tandaan ang proseso ng mediation ay boluntaryo. Kapag ang isang partido dito ay nag-initiate o nagsimula, ang mediation service na ito ang makikipag-ugnay sa ibang tao upang tanungin kung sila ay handang magparticipate.

Australia Explained - De Facto Relationships
A father is standing in the doorway of their home with his son as they say goodbye to the mother who is going to work. Credit: SolStock/Getty Images
Pinapaunawa ni Bennet kung ang parehong partido ay pumayag na magpatuloy, kasunod ng prosesong ito ang screening upang maunawaan ang history ng relasyon kabilang ang anumang mga risk factors o panganib.

Para sa pangkalahatang impormasyon sa mga usapin sa batas sa mga relasyon at gabay sa paghahanap ng abogado sa inyong estado, bisitahin ang visit , isang inisyatiba ng Law Society of NSW, na sinusuportahan ng iba pang mga law society sa buong Australia, kabilang ang Law Institute of Victoria at ang Queensland Law Society.

Para sa impormasyon tungkol sa mga isyu sa pamilya at mga serbisyong maaaring makatulong, bisitahin ang website ng ng Pamahalaan ng Australia o tumawag sa 1800 050 321.

Nasa krisi ka ba?

Emergency call 000|Lifeline 13 11 14|National sexual assault, domestic violence counselling service 1800 737 732.

Share